Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NILINAW ni Darren Espanto na walang katotohanan ang kumakalat na balita na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kanyang pamilya.
Kumalat ang balitang ito matapos magpahiwatig ang binata ng pagsuporta sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan na kasalukuyang tumatakbo sa pagkapangulo at bise presidente sa bansa nang dumalo ito sa nagdaang Bulacan rally ng Tropang Angat.
Ayon kasi sa tweet ng journalist na si Raissa Robles,”What’s happening to Iglesia? It seems some youth members like the highly popular @Espanto2001 are openly backing @lenirobredo?”
Agad naman itong ni-retweet ni Darren at nilinaw na walang katotohanan ang kumakalat na balita.
Reply niya sa tweet ni Rissa,”Hello po, Ms. @raissawriter I’d just to clarify po that my family and I are all Roman Catholics.”
Pero sa kabila ng paglilinaw ni Darren ay hindi pa rin binubura ni Raissa ang kanyang tweet.
Marami namang netizens ang nag-react at naimbyerna sa ginawa ni Raissa, at sinabing mas pinatunayan lang nito na wala siyang kredibilidad bilang isang journalist.
“You just damaged (and continuously damaging) your credibility, @raissawriter for not taking down your tweet and for not apologising to Darren for tweeting an incorrect information about him,” sabi ng isang netizen.
Sabi naman ng isang netizen,”Ayaw pa rin niya i-delete ‘yung tweet kahit marami nang nag co-correct sa kanya. Sinagot na kamo ni darren ah.”
“Ayan na po straight from Darren, respectfully answered pa. Please do check first the facts and live up to your ‘profession’ as a ‘journalist’ dahil red flag on your credibility is waving,” hirit naman ng isa pa.
Kamakailan ay nag-trending ang INC dahil marami ang nag-aabang kung sinong kandidato ang ieendorso nito sa darating na eleksyon.
May mga kumakalat din kasing balita na sina Leni Robredo at Sara Duterte ang susuportahan nito ngunit wala pang opisyal na pahayag ang mga opisyal ng Iglesia Ni Cristo ukol dito.
***
NOONG Linggo, May 1, ay kaarawan ni Charlene Gonzales. Siyempre pa, may touching message sa kanya ang mister na si Aga Muhlach na idinaan nito sa kanyang Instagram account.
Post ni Aga,”Happy birthday my love! Mahal ka naming lahat! You’re my everything. God bless you. One lucky guy here. Yes, me. I love you, B!”
Sa comment section ng kanyang post, reply ni Charlene,”Aww… Thank you.. love you too B, @agamuhlach317.”
Bukod kay Charlene, ang mga kaibigan sa showbiz ng mag-asawa ay nag-comment din sa post ni Aga para i-wish din ng happy birthday si Charlene.
“May your birthday be nothing less than blessed. Hope to you see you guys again soon. We love you. Happy happy happy bday!!!!” sabi ni Gary Valenciano.
“Happiest birthday to the most beautiful ate Charlene! Stay blessed always!” pagbati ni Toni Gonzaga.
“Happy birthday my love! I mean your love! I mean his love! Grrrrrr! Happy birthday Charlene! You are beautiful! High tide and low,” pagbati naman ng tinaguriang Concert King na si Martin Nievera.
Mahigit 20 years nang kasal sina Aga at Charlene. At mukhang may forever sa kanilang pagmamahalan. Sana nga ay talagang for keeps na ang relasyon nila at hindi ito mapunta sa wala gaya ng ibang showbiz couples.
Happy birthday Charlene!