Advertisers

Advertisers

Janine napagkamalang anak ni VP Leni sa kampanya

0 221

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL sa commitment kaya hindi nakarating si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2022.
Ang kandidata sa Pasay City na si Celeste Cortesi ang nakasungkit ng korona at siyang magre-represent para sa Pilipinas.
Nagkaroon daw ng film si Catriona kaya ‘di ito nakadalo sa nasabing beauty pageant.
Pero naka-monitor raw ito para ang presensya niya ay nandun din sa event.
At kaya raw ito nag-tweet dahil tila nadalian ito sa mga tanong sa mga kandidata.
Alam naman ni Catriona na masasagot ng mga kandidata ang mga tanong sa kanila.
Ini-expect daw ni Catriona ay kabugan sa Q and A.
May komento nga ang isang netizen na napa ‘Hoy!’ ang TV host-beauty queen ay naglagay ito ng heart emoji dahil sa isang comment.
Sa kabilang banda ay winelcome naman ni Catriona ang bagong pambato sa Miss U na si Celeste.
“Welcome to sisterhood,” saad ni Cat.
***
ISA si Janine Gutierrez sa mga nagboluntaryo sa house to house campaign para kay VP Leni Robredo.
Hindi itinanggi ni Janine na isa siyang certified KakamPink.
Hindi nito ininda ang init at pagod sa ginagawang pangangampanya.
Sa kabila na iba ang sinusuportahan ng lola na si Nora Aunor ay naninindigan si Janine para kay VP Leni.
Sa twitter account ni Janine ay may karanasan ito na ibinahagi.
Sa kanila kasing pagbabahay-bahay ay talaga namang napagkamalan pang anak si Janine ni VP Leni.
“Anak ka? Sabay sagot naman ni Janine ng opo.”
“Anak ka?” “Ay opo anak po ako ni Lotlot,” sabi naman agad ni Janine.
Proud ang aktres na napagkamalang anak siya ni VP Leni.
Masaya ito sa kanyang ginagawa at lahat ng certified KakamPink ay pursigido na ipanalo si VP Leni at Kiko Pangilinan sa darating na Mayo 9.
Well, well, well… ‘Yun na!