Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MASAYA si Sanya Lopez sa takbo ng istorya ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady na napapanahon sa nalalapit na Eleksyon 2022.
Sa First Lady rin kasi ay may magaganap na eleksyon sa pagitan ng incumbent na si Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at Allegra Trinidad (Isabel Rivas).
“Maraming matutulungan ngayon ‘yan lalo na’t napapanahon ang eleksyon. Dito natin malalaman kung sino ang karapat-dapat nating iboto, dapat nating kilatisin, dapat totoo,” saad ni Sanya, na bahagi rin GMA News Eleksyon 2022 campaign na ‘Dapat Totoo,’ sa panayam ni Aubrey Carampel.
Mas lalong umiinit ang istorya ng First Lady, lalo na nasa peligro ang buhay ni President Glenn matapos ang assassination attempt sa kanya ni Allegra.
Dagdag pa ni Sanya, marami pang dapat abangan na mabibigat at heart breaking plot twist sa kanilang istorya.
“Ang bigat nung eksena, sobrang sakit habang ginagawa namin. Rehearsal pa lang pero umiiyak na kami so ganun siya ka-intense.”
Ngayong nasa panganib ang buhay ni President Glenn, may posibilidad kaya na karakter ni Sanya na si Melody ang tumakbo sa pagkapangulo?
“Ako? Ako talaga? Bakit? Pero, ‘di ba, ayaw naman talaga ni Melody tumakbo, di ‘ba? Bilang presidente o kahit ano man, ayaw niya sa pulitika, e.
“Nagkataon lang talaga na napangasawa niya ay si President Glenn Acosta kaya First Lady siya.”
***
NADISKUBRE namin ang sekreto ni Ai Ai delas Alas kung paano siya pumayat.
“Six years na kasi akong organic.”
Kumakain siya ng karne pero karne lamang ng manok.
“Tsaka hindi ako nagpiprito puro nilaga, baked, ganyan, tapos no rice kasi allergic ako sa rice.
“Tapos gluten-free, no preservative, no dairy, ganun, iyon yung buhay ko.”
Biro namin kay Ai Ai dahil nga allergic pala siya sa rice, kanin is life!
“Kaya nga e,” bulalas na reaksyon ni Ai Ai.
May tao palang allergic sa kanin…
“Kaya nga! Naku iyan ang parati kong sinasabi sa sarili ko at tsaka pag kinukuwento ko.
“Sabi ko, ‘Dyusko, may tao palang allergic sa rice?!’
“At isa ako dun!
“Alam mo ba kung saan pa ako allergic? Eto pa nga ang nakakatawa, di ba? Minsan pag hindi ka makakain ng rice, kung wala kayong rice, di ba minsan mais ang kinakain nyo?
“Mas allergic ako sa mais,” isa pang rebelasyon ni Ai Ai.
Pilipino pa man din siya pero allergic siya sa mais at kanin na kabilang sa mga staple food ng mga Pinoy.
“Kaya nga, nakakaloka talaga.”
Kaya pala pumayat at sumeksi si Ai Ai.
“Oo isa yun kasi hindi ako nagra-rice.
“Ninety-eight percent sa corn allergic ako, ninety-six sa rice. “Buong katawan ko talaga mangangati kapag nagra-rice o nagko-corn ako.”
May idinulot namang maganda ang pagiging allergic ni Ai Ai sa kanin at mais dahil iyon na nga, napakaseksi niya ngayon.
“Oo meron din naman at tsaka hindi lang physically, yung health ko, health-wise, kasi dati may asthma ako, may vertigo ako, parang lahat na in-acquire ko na.
“Ngayon lahat yun wala na.
“Psoriasis dati todo, ngayon wala na rin, hindi walang-wala pero medyo konti na lang.”
Ang hirap pa naman kumain kapag walang kanin, banggit pa namin kay Ai Ai.
“Mahirap talaga, paano mo kakainin ang kare-kare tsaka sinigang na walang rice?” Bida si Ai Ai bilang si Letty sa Raising Mamay na napapanood sa GMA Afternoon Prime.
Bukod kay Ai Ai ay nasa cast din ng Raising Mamay sina Shayne Sava, Antonio Aquitania, Valerie Concepcion, Ina Feleo, Joyce Ching, Abdul Rahman, Raquel Pareño at Gary Estrada.