Advertisers

Advertisers

Catriona may emote sa Miss Universe Philippines 2022

0 393

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

HANGGANG ngayon, ayaw pa ring tantanan ng negatrons ang naging pahayag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kaugnay ng naganap na koronasyon ng Miss Universe Philippines 2020.
May emote kasi si Catriona na dapat daw ay hinirap-hirapan naman ang mga tanong sa mga kandidatang kasali.
Ito naman ang ilan sa mga puna ni Catriona sa nakaraang coronation night ng MUP 2020 na ang Ms. Pasay na si Celina Cortesi ang tinanghal na winner.
“TAMA TE’ YUNG QUESTIONS NILA KAYANG KAYA SAGUTIN NG 12 YEARS OLD GIRL. Now 24, this fashion model and singer has raised funds for various charities through benefit concerts in her country and abroad.””
Tatlong crying laughing emojis at hoyyy,” ang tanging reaksyon ni Catriona.
May isa pa siyang post na “Great speakers in this batch excited to see how they handle spontaneous Q&A.”
Sa nakaraang event, hinahanap din ang kanyang special participation sa naturang event.
May kanya-kanya namang komento ang mga beaucon fanatics hinggil sa pagpuna ni Catriona sa Q&A at ang pagkawala ng special participation nito sa Miss PH 2022.
“Napaghahalatang ang loyalty pa rin niya ay nasa BPC ni Stella Marquez Araneta.”
“May beef talaga ang grupo ni Catriona sa grp nila Shamcey. Halata ngayong gabi hahaha”
“Anong beef? Db nasa dinner nga siya kasama sina Pia? Saka may video siya before rumampa past queens.”
Patutsada naman ng isang netizen: “Entitled.”
Syempre may sasagot, “As it should be. Hello Miss U natin yan dapat lang maging entitled”
”Hello she’s Miss Universe 2018. Lol she is really entitled.”
Depensa naman ng isang netizen, “Kahit medyo negatron sya lately i still feel bad na wala sya dun. Yung rumampa silang lahat tas after Pia si Beatrice na agad. Sana set aside na lang muna kung ano man mga issues nila.”
“Sa lahat ng MU Queens na present, si Cat lang ang hindi rumampa or pinarampa I’m wondering why…..”