Advertisers

Advertisers

Mikee itinatago ang relasyon kay Paul

0 376

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MUKHA ngang nalilinya sa kaliwaan blues itong byuti ni AJ Raval.
Una yung sa kaso nila ni Diego Loyzaga na naakusahan si AJ na third party kung bakit naghiwalay sina Barbie Imperial at Diego. Ang sumunod naman na kaliwaan isyu kay AJ ay yung sa kanila ni Aljur Abrenica, na sa kainitan ng hiwalayan blues ng mag-asawang Aljur at Kylie Padilla ay naakusahan din siya na third party kaya hindi na nagkabalikan muli sina Aljur at Kylie.
In fairness, naman kay AJ, kapwa niya ‘nalusutan’ ang bintang na ito at nagkabonus pa siya dahil sa wala man aminan mukhang nakatagpo ng bagong pag-ibig si AJ kay Aljur.
Pero ang tsika, hindi raw feel ni Barbie na makasama sa isang movie si AJ kahit pa sabihing kapwa sila Viva talents. How True?
“Si Barbie? Okey lang naman po. Kung magkakaroon po ng chance, wala naman pong problem. At least, kung may mga bagay na may mga sinasabi siya, mako-confront ko po siya.
“Actually, nu’ng pumutok po ’yung isyu namin, ako po nag-message sa kanya. Minessage ko po siya na mahaba. Sabi ko sa kanya, ‘Huwag magpapadala sa mga tao.’ Naiintindihan ko po siya, na-provoke lang po siya kung bakit nagsalita siya nang ganu’n. Tapos, nag-reply po siya, sabi po niya, ‘Thanks, AJ’,” say ni AJ.
Hindi nga maiaalis na mauungkat na muli ang kanyang mga past intrigues dahil sa movie niyang “Kaliwete” na streaming na ngayon sa mga Vivamax App at makakasama niya sina Vince Rillon, Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Juami Gutierrez, Denise Esteban, at Irma Adlawan. Sa direksyon ni Daniel Palacio, habang si Direk Brillante Mendoza naman ang creative consultant.
***
WALA man tuwirang pag-amin sa tunay na relasyon ngayon nina Paul Salas at Mikee Quintos, nasabi naman ni Paul na nasa ‘dating’ stage sila ni Mikee.
Pero marami sa nakapalibot sa dalawa ang nagsasabing ‘in relationship’ na ang status ng dalawa. Tahimik lang kasi si Mikee pagdating sa kanyang pribadong buhay at nalilihis niya ang isyu dahil sa iba-iba ang kanyang leading man sa mga serye nannagawa sa Kapuso Network. Una si Kelvin Miranda sa “The Lost Recipe”, sinundan ni Sef Cadayona in “Pepito Manaloto” at ngayon nga ay si Dave Borneo naman para as afternoon series ng GMA7 na “Apoy Sa Langit” na pinangungunahan ni Maricel Laxa.
Ano kaya ang say ni Mikee na wala siyang permanenteng kalabtim, okey lang kaya ito sa young actress?
“It’s nice to be paired with different actors kasi I prefer na hindi ako identified sa isang ka-love team lang,” she says. “I learn a lot from the people I work with. Lahat sila, may naitutulong for me to get better in my craft,” say ni Mikee.