Advertisers

Advertisers

Benz Sangalang nag-all out sa pelikulang ‘Secrets’

0 1,864

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SUPER-excited na si Benz Sangalang na maipalabas ang very first movie niya sa Vivamax as lead star ng pelikulang Secrets.
Isa itong sexy suspense thriller, directed by one of the most respected directors sa Philippine Cinema, si Direk Joey Reyes.
Bukod kay Benz, tampok dito sina Janelle Tee (Ms Earth Philippines 2018), Denise Esteban, at Felix Roco.
Talagang kaabang-abang at hindi dapat palagpasin ang pelikulang ito, hindi lang ng mga barako, kundi maging ng mga beki, at mga chika babes dahil super-tindi ang mga sex scenes ng apat na bida rito.
Ayon sa manager niyang kilala sa showbiz world bilang Mudrakels o Jojo Veloso, talagang nag-all out si Benz dito sa Secrets, kaya dapat daw kabahan na sina Diego Loyzaga at ang Gumabao Brothers.
Kuwento naman sa amin ni Benz ukol sa pelikula nilang Secrets, “Ang tema po ng movie, medyo suspense na may kaunting sexy, pero hindi talaga siya sexy movie.”
Pagdating daw sa limitations sa paghuhubad sa pelikula, game naman magpasilip ang hunk actor na ito.
Wala raw problema kung magpapakita siya ng butt, kung mas maselan pa ang hinihingi ng eksena, napag-uusapan naman daw iyon.
Handa na ba talaga siya sa pagpapatakam sa mga gay at matrona sa kanyang movies?
Nakangiting saad ni Benz, “Yes, game naman po ako, lalo’t parte talaga ng movie iyon. And, napag-uusapan naman po iyon.
“First time ko pong maghuhubad sa isang project, pero okay naman po iyon, part lang ng trabaho po talaga at wala naman sa akin iyon, especially Joey Reyes pa po ang director namin,” wika pa niya.
Si Benz ay may taas na 5’10″ at napanood sa mga pelikulang Men in Uniform ni Direk Neal Tan at Rainbow Sunset ni Direk Joel Lamangan.
Kabilang si Benz sa Tres Barakos ni Tito Jojo na kinabibilangan din nina Rash Flores at Massimo Scofield.
Excited na rin si Benz sa next film assignment na ibinigay sa kanya ni Boss Vic del Rosario. Isa itong action flick na obra ng tinaguriang Cult Director na si Roman Perez Jr.
Kaya ngayon pa lang ay talagang pinaghahandaan na niya ang proyektong ito at regular siyang nagbubuhat ng mga bakal sa gym, dahil ayaw mapahiya ni Benz kina Direk Roman at Boss Vic.