Kylie proud sa pangunguna ang amang si Binoe sa senatorial race; Alden ‘di pa rin nawawala ang pagiging fan ni Bea
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MARAMI na rin naman na eksena ang natapos nang gawin nina Alden Richards at Bea Alonzo para sa kauna-unahang serye na kanilang pagsasamahan sa GMA7, ang Pinoy adaptation ng Koreanobela na “Start Up”.
Hindi na rin naman bago para kay Alden na makasama sa isang project si Bea, dahil sa gumawa sila ng isang commercial video ng isang shampoo at sa ibang bansa pa ito kinunan.
Very light lang ang eksena nina Bea at Alden sa naturang commercial video. Pagdating naman sa “Start Up” ay mabibigat na eksena naman ang ginagawa ng dalawa, as in heavy drama.
Aminado si Alden na hindi talaga mawala sa kanya na maging isang fan boy kay Bea sa tuwing may madrama silang eksenang kinukunan.
“When we were doing the scene, sabi ko ‘Idol ko dati! Idol ko ito. I mean this very talented woman. I used to look up to her, hindi pa ako artista. Meron lang siyang nostalgic feel na parang, ‘Wow, ngayon kaeksena mo na. Seryoso ba ito?’” sabi ni Alden.
Hindi naman kaya nanibago si Alden sa madramang eksenang kinunan sa kanilang dalawa?
“‘Yung shinoot kanina siguro is one of our first heavy scenes together, so hindi ako nahirapan. We did quite a lot of workshops. Madali rin naman kasing pakibagayan, I mean, we talk a lot off-cam,” dagdag pang say ni Alden.
***
HINDI na naitago pa ni Kylie Padilla ang labis na kaligayahan nang makitang kahit unofficial result of vote counts for senatorial candidates na pinangungunahan, as in nasa Top 1 spot, ang amang si Robin Padilla.
Tulad ng ibang anak ng isang kandidato na malaki ang tsansang manalo base sa unofficial vote counts ay inihayag ni Kylie ang saloobin sa kanyang socmed account, ang pagbati sa kanyang ama bilang isang karaniwang tao, at bilang isang anak.
“I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo. And all I can say I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you,” say ni Kylie sa isang post na kanyang ini-upload.
Bilang isang botante, ano naman kaya sa palagay ni Kylie ang dahilan kung bakit maraming nagtiwala sa kanyang ama na maluklok sa senado?
“Parte ng pagkatao niyang tumulong. He has always been selfless pagdating sa mga taong nangangailangan. If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen,” dagdag na say ni Kylie.