Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DREAM come true para sa mag-asawa na magsama muli sa project.
Isang sitcom ang gagawin nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Knowing naman na si Marian ay may pagkakomikera kaya timing at swak sa kanya ang bagong sitcom nila ng mister na si Dingdong.
Dumating na rin nga sa wakas ang minimithi ng couple na mag-work together.
Di naman matanggap ni Marian na La Ocean Deep na or laos na ang peg nito dahil marami naman tinatanggap na offer ito sa kabila ng pandemya.
Nakatutuwa pang tsika ay nagagamit ni Marian ang kanyang pagiging komikera.
Sa sitcom nila ni Dingdong ay bina-blocking siya ni Marian as in dinidirek.
Ganito rin siguro sila kasaya sa bahay dahil masayahing tao si Marian. Marami namang nagsasabi na sila na ang bagong John and Marsha na ginampanan nina late Dolphy at Nida Blanca.
Ang Drama King at Queen na sina DongYan ay magpapatawa naman para sa kanilang sitcom.
Well, tignan natin kung kuwela pa ba sa manonood ang pagpapatawa ng mag-asawa.
***
Tantanan na ang intriga…
Derek diniin, okey sila ni John Lloyd
SA paglilinaw ni Derek Ramsay para sa mga nag- iintriga sa kanila ng tatay ni Elias na si John Lloyd Cruz.
May mga patuloy pa rin kasi na binibigyan ng isyu sina Derek at Lloydie.
Kaya para matuldukan na kung okey ba sina Derek at John Lloyd.
Nilinaw ng mister ni Ellen Adarna sa isang panayam na in good terms sila ni Lloydie.
At wala naman daw silang problema, pagdidiin pa ni Derek na nag-usap na sila.
Man to man talk kaya wala raw silang problemang dalawa.
“Nagbabatian naman kami once susunduin na niya si Elias sa bahay.”
Pagtatapos pa ni Derek sa nang-iintriga sa kanila ni John Lloyd, tumigil na raw at wala silang problema.
Well, well, well…’Yun na!