Advertisers
By ARCHIE LIAO
Nanguna si Paulo Avelino sa online poll ng Outstanding Asian Star award sa 2026 Seoul International Drama Awards.
Nakakuha siya ng 43.77% ng total votes.
Sa pagsasara ng botohan, halos 11 percent ang lamang niya kay Kim Chiu na nasa pangalawang puwesto na may 30.72% ng kabuuang boto.
Pareho sina Paulo at Kim na nominado para sa TV series na “The Alibi.”
Pumapangatlo naman si Anne Curtis na nakapagtala ng 23.90% ng total votes.
In the running siya para sa Pinoy adaptation ng KDramang “It’s OK to Not Be Okay.”
Nasa fourth spot naman si Fyang Smith ng “Ghosting” samantalang nasa ikalimang puwesto si Kaila Estrada na nominado para sa TV series na “What Lies Beneath.”
Sa pagkapanalo ni Paulo, maihahanay na siya kina Dennis Trillo (2016), Gabby Concepcion(2017), Alden Richards (2019), Dingdong Dantes( 2020), Belle Mariano (2022), Kathryn Bernardo (2023), Kim Chiu (2024) at Daniel Padilla (2025) na nanalo sa previous editions ng SDA.
Ang Outstanding Asian Award ay dating Asian Star Award ng nasabing award giving body.
Si Dennis ang kauna-unahang Pinoy na recipient ng nabanggit na award para sa kanyang pagganap sa seryeng “My Faithful Husband” noong 2016.
Si Paulo naman ay wagi ngayong taon para sa TV series na “The Alibi” kung saan katambal niya si Kim.
Siya ay inaasahang dumalo sa awarding ceremony ng 2026 Seoul International Drama Awards sa Oktober 8, 2026, na gaganapin sa KBS Hall in Yeouido, Seoul, South Korea.