Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MATAPOS maging pangatlo sa mga nagdaang election survey, nangunguna naman ngayon ang batikang aktor at senatorial candidate na si Robin Padilla sa listahan ng partial and unofficial election results na inilabas ng Commission on Elections o COMELEC sa pagka-senador.
Sa panayam kay Robin ng award-winning journalist na si Jessica Soho sa Eleksyon 2022 marathon coverage ng GMA Lunes ng gabi, aminado ang aktor na hindi niya inasahan ang pangunguna sa resulta ng eleksyon dahil sa kawalan niya ng makinarya upang iendorso ang sarili.
Aniya, “Wala po akong inaasahan na kahit ano, unang-una wala po akong kahit na ano, wala po akong makinarya, wala po akong kahit ano, pera, wala po ako niyan.
“Hindi ko po inaasahan ito, ang akin lang po ay paninindigan, ang akin lang po ay nananalig po ako sa Panginoong Diyos, at tulong-tulong lang po ng mga naniniwala sa akin, tulong ng katipunan, tulong ng mga rebolusyonaryo, ‘yun lamang po. Wala akong inaasahan, sapagkat para po sa akin talaga, ang ganitong klaseng labanan po ay usapin po ito ng makinarya at pera.”
Dagdag pa ng senatorial candidate, naniniwala siya na ang kanyang plataporma ang nagustuhan ng mga tao at hindi ang kanyang pagiging sikat ang dahilan ng kanyang pangunguna sa eleksyon.
“Naniniwala po ako na ‘yun pong plataporma ko na charter change ng bansa, pederalismo, ‘yun pong pagbibigay ng kapangyarihan sa mga lalawigan, bigyan sila ng kalayaan na sila po ay makagawa ng batas na ayon sa kanilang kultura, kanilang tradisyon, kanilang kapaligiran, doon po ako naniniwala. Hindi po ako makukumbinsi na dahil kay Robin Padilla po ito, hindi po, malabo po sigurong mangyari ‘yun,” ani Robin.
Masaya si Robin sa resulta ng botohan ngunit mas nangingibabaw sa kanya ngayon ang responsibilidad ng pagiging mambabatas.
Kuwento niya, “Ang pakiramdam ko po siyempre ay masaya pero lamang po ‘yung responsibilidad na nakaakibat po sa atin ngayon sapagkat batid ko naman po na itong tagumpay na ito ay hindi po ito patungkol kay Robin Padilla kung hindi ito po ay tagumpay po ito ng reporma ‘yung atin pong ipinaliwanag na patungkol po sa pagpapalit po ng saligang batas na charter change.”
Taos-puso naman ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng nagtiwala at sumuporta sa kanyang kandidatura.
“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat po ng nagtiwala sa atin, sa lahat ng lumabas at bumoto sa akin at naging matagumpay po ang eleksyon na ito,” aniya.
***
ANO ang pakiramdam ni Dave Bornea na isang showbiz icon na tulad ni direk Laurice Guillen ang direktor niya ngayon sa isang serye, ang Apoy Sa Langit ng GMA?
Unang beses na makatrabaho ni Dave si Ms. Guillen.
“Sobrang grateful po ako and una ang dami ko namang naririnig na how she works, well in fact kinakabahan po talaga ako kasi nga parang of course as an actor may ano na parang gusto kong ma-impress siya sa akin or mapansin ako ni direk since direk gave me the opportunity.
“So iyon po ang dami kong natututunan po sa kanya and there are times na medyo kinakabahan ako na like, ‘Direk minsan hindi ko naiintindihan ‘to.’
“Well si direk naman napaka-open naman when it comes to talking about the character. Napaka-generous din niya and she’s there to guide us.”
Aminado si Dave na ninenerbiyos siya kapag may eksenang kukunan siya.
“Hindi naman maiiwasan po yan. Pero iyon nga, a lot of homework, and then madaming katanungan din just to make sure and tulong lang din sa mga co-actors like Mikee since si Mikee yung lagi kong nakakaeksena.
“So iyon po.”
Tampok din sa Apoy Sa Langit sina Lianne Valentin bilang si Stella, Zoren Legaspi bilang si Cesar, Maricel Laxa bilang si Gemma, si Mariz Ricketts bilang si Blessie Atienza, si Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong, si Coleen Paz bilang si Patring, si Celine Fajardo bilang si Iyah, si Patricia Ismael bilang si Lucy, at si Mio Maranan bilang si Toto Pancho.
Napapanood ang Apoy Sa Langit sa GMA Afternoon Prime.
***
THE excitement was evident after news of Kapuso Primetime Queen Marian Rivera making a comeback on TV through her new primetime sitcom Jose and Maria’s Bonggang Villa was confirmed.
What’s more, this big-time project will also mark her onscreen reunion with her husband Kapuso Primetime King Dingdong Dantes—their last project being the primetime series My Beloved back in 2012.
During the grand media conference of the sitcom held at Luxent Hotel last week, Marian told the members of the entertainment press, why she wanted to make a comeback via this project.
Marian explained, “Kasi sabi ko nga, ang daming show, sorry pero hindi ko magawa, kasi dahil naka-lock in, maiiwan ko ang mga anak ko, kailangan ako sa bahay.
“This time, maraming nagtatanong: Bakit napapayag ka?”
She continued, “Una sa lahat sinigurado namin mag-asawa na tuwing may taping kami nandoon ‘yung mga magulang namin para alagaan ‘yung mga anak namin.”
In addition, the multi-awarded Kapuso actress considers this primetime sitcom as an opportunity for her and Dong to have some quality time together as a couple.
Marian stated, “Pangalawa, excited kasi ako na makatrabaho uli siya, kasi ‘pag nag-usap kami ang tagal namin hindi nagkatrabaho, parang 10 years nga.
“So, looking forward ako. Iba kasi ‘pag nasa bahay tatlo silang inaasikaso ko. Sa taping, isa lang siyang inaasikaso ko. Oh ‘di ba, magkaiba ‘yun?”
“Masaya ako kasi parang ‘yun ‘yung ‘me time’ naming dalawa na wala kaming iniisip, nagkukulitan kami. Naglalambingan kami, parang lahat napag-uusapan namin buong araw habang nasa taping kami,” the Kapuso star added.