Advertisers
NAKATAKDANG iendorso ng Department of Health (DoH) sa susunod na administrasyon ang pagpapatupad ng strategies ng Universal Health Care Act at ang pagtatayo ng Vaccine Institute of the Philippines at Centers for Disease Control (CDC).
Sa isang forum, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakahanda namang itulak ng DoH ang proper approaches tungo sa new normal mula sa pandemic ngayong nararanasan dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Plano rin ng DoH na ihayag sa publiko na kailangan na nating mabuhay kasama ang virus.
Kasunod nito, hihimukin din ng DoH ang bagong administrasyon na ipagpatuloy ang COVID-19 vaccination program at ang pagpapatupad pa rin ng minimum public health standards.
Para sa DoH, magiging krusyal din umano ang gagampanan ng CDC sa hangarin ng bansa na makaalis na sa pandemic at siguruhin ang health care sa lahat.
Ang Centers for Disease Control bill ay pinapasa na sa Senado ng Kongreso na siyang magre-restructure sa health care system.
Sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2505 o ang Philippine Centers for Disease Control and Prevention Act ay mae-establish ang Centers for Health Statistics, Surveillance and Epidemiology, Health Evidence at Reference Laboratories sa ilalim ng health department.
Noong Hulyo 2021, naaprubahan din ang counterpart bill sa House of Representatives.
Magandang hakbangin ito na ginagawa ng Duterte administration para sa susunod na mauupong administrasyon ni Presumptive President Bongbong Marcos Jr. upang masiguro ang kapakanan ng mahigit sa 100 milyong mga Pilipino laban sa salot na sakit.
Hindi pa man kumpirmado, may mga bali-balita na posibleng hiranging Kalihim ng DOH si Marcos loyalist na si Dr. Edsel Salvana.
Kung magkakaganoon man , naniniwala tayo na isa sa mga pangunahing agenda ng transition team ni BBM ay ang mapatatag ang health care system ng bansa upang tuluyang makabangon sa bangungot ng Covid-19 experience ang ating mga kababayan.
Pangungunahan ni Atty. Vic Rodriguez, incoming Executive Secretary ang transition team ni BBM.
Una nang kinumpirma ang paghirang kay Presumptive VP Sara Duterte bilang Kalihim ng Dep Ed at ang pag-appoint kay former MMDA Chairman Benhur Abalos para pamunuan ng tanggapan ng DILG.
Malakas din ang ugong na sina dating Congressman Rodante Marcoleta ang ilalagay na Kalihim ng Justice Department samantalang si UP Professor Clarita Carlos naman sa Department of Foreign Affairs.
Mapapansin na pawang mga eksperto sa kanilang field of expertise ang mga tao nasa listahan ni BBM upang kanyang makaagapay sa pamamahala sa kanyang itatatag na UNITY government.
Lahat ng indibidwal sa bucket list ng batang Marcos ay may kakayahang maglingkod sa tao ng buong kasipagan at katapatan.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com