Advertisers

Advertisers

“Mga estudyante ng PLM/UDM ‘di hahayaang magamit sa political activities” — Isko

0 84

Advertisers

TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga magulang ng mga estudyante mula sa dalawang city-run universities, anf Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila na ang kapakanan nila ang pangunahing inaalala ng pamahalaang lungsod.

Binigay ni Moreno ang katiyakan na hindi niya papayagang magamit ang mga estudyante maging ang mga gusali ng mga nasabing pamantasan para sa mga political activities na maaaring magresulta sa kaguluhan.

Sa kanyang capital report, sinabi ni Moreno na binigyang direktiba niya ang mga pinuno ng nasabing dalawang pamantasan na mag-focus sa pagbibigay ng pinakamahusay na edukasyon para sa kanilang estudyante.



“Sa mga magulang na nag-aaral ang kanilang anak sa PLM at UDM, pumanatag kayo. Ako po ay nag-abiso na, na hindi pwede basta-basta sumama sa kaguluhan na binabalak ng iilan… ‘yung mga pinaplano nila,” sabi ni Moreno.

Idinagdag pa nito na: “We have to move on with our lives and support the next government. We have to as citizens, bilang mamamayan, kailangan tayong magtulungan.”

Matatandaan na nagpalabas ng order si Moreno na nagre-require ng permits para sa lahat ng gustong mag-rally sa Maynila matapos itong mag-concede at nakiusap sa kanyang mga tagasuporta na mag-move on na at huwag makisali sa mga protest rallies.

“Sa mga nanay, tatay, lolo at lola, pumanatag kayo dahil kami po ay binabantayan namin maige. Educational institutions must provide good, quality education. ‘Yun ang aming obligasyon sa inyong mga anak at ‘yan ay tutupdin ng mga opisyales at teacher because that is our job,” sabi ni Moreno. (ANDI GARCIA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More