Advertisers
Pinaalalahanan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang mga nakatatanda na pag-ibayuhin ang pag-iingat sa Covid-19.
Ang paalala ng alkalde na isinapubliko sa kanyang Talk to the People ay kasunod ng iniulat na pagtaas ng kaso ng naturang sakit sa lungsod ng Quezon .
Ayon kay Domagoso bagamat bakunado na sa Covid-19 ay wala namang mapapalakas kung mas lalong mag-ingat.
Partikular na pinaalalahanan ng alkalde ang mga lolo’t lola kasunod ng napabalitang pagtaas ng 26.5% na kaso ng Covid-19 sa nasabing lungsod.
Noong May 21 hanggang June 10 meron lamang 23 kaso ng Covid19 sa Quezon City habang umakyat na ito sa 84 na kasong naitala mula July 1 hanggang June 11. (Jocelyn Domenden)