Advertisers

Advertisers

Ang 32 million boto ‘di tiket para mangulimbat

0 6

Advertisers

SA unang araw ng impeachment trial sa Senate Impeachment Court laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio ay pinagdiinan ng kanyang lead defense counsel, Atty. Shiela Sison, na hindi dapat i-impeach ang ibinoto ng mahigit 32 milyong Pilipino.
“Because in this trial, the prosecution proposes that we unseat the Vice President elected to office by more than 32 million Filipino people, more than the number of votes cast for the sitting President, and much greater than any of the votes secured by each of the members of the House of Representatives who are now here to prosecute her and seek to undo this people’s choice,” nakakainsultong statement ni Sison sa mga kongresistang prosecutor.
Sus! Porke ba ibinoto si Sara ng nakararami ay hindi na siya puedeng panagutin sa batas, sa ginawang pag-abuso sa kapangyarihan?, sa paglustay sa kaban ng publiko?, sa paghamak at pagbanta sa buhay ng mga kalaban sa politika? Dream on!
Ang 32 milyong boto na nakuha ni Sara noong 2022 ay dahil sa tandem sila ni Bongbong Marcos, Jr. Kung hindi sila tandem baka natalo sila ni Leni Robredo. Mismo!
Ang Marcos ay may solidong supporters mula pa sa  yumaong dating pangulo Ferdinand Marcos, Sr.
Ang supporters at solid North ng Marcos ay sumama sa Solid Mindanao ng Duterte kaya nakapagtala ng 32 milyon. Ngayong naging mortal enemy na ang Marcos at Duterte, malamang higit kalahati ang nawala sa 32 milyon. Peks man!
Again, walang sinasabi sa ating Konstitusyon na ang opisyal na ibinoto ng nakararami ay hindi puede patalsikin sa pag-abuso sa kapangyarihan.
Si Sara ay nahaharap sa maraming kaso ng katiwalian na hindi niya maipaliwanag, sa halip ay nagmumura at nagbabanta  kapag tinatanong. Ang ganitong klase ng halal na opisyal ay ‘di na dapat tiisin, sa halip kailangan nang patalsikin!
Pero, kapag mapatunayan naman sa impeachment court na wala siyang nilabag na batas, ginampanan ng maayos ang pagiging Bise Presidente, tama lang  na manatili siya sa kapangyarihan.
Bayan, subaybabayan natin ang impeachment trial na ito, namnamin ang mga ebidensiya at mga sinasabi ng testigo, at magdesisyon tayo kung puede pa siya sa 2028 o patalsikin na ngayon. Period!
***
Tulad ng inaasahan, lumabas ang mga karamdaman ng astig na Senador Rodante Marcoleta nang maaresto sa kasong ‘pandarambong’.
Kunsabagay lagpas narin kasi sa 70 anyos si Marcoleta at wala pang regular na ehersisyo. Marupok na talaga ang kanyang katawan. Dapat magpakabakit na siya. Hehehe…
Dahil sa mga nararamdaman kuno ni  Marcoleta, malamang na ‘hospital arrest’ nalang ito, unlike ng kayang mga co-accused na sina Mike Defensor, Aristotle Viray at Joseph Espiritu na sa city jail mananatili hanggang matapos ang mga pagdinig sa kanilang kasong Plunder. Makalaya sana silang mga pogi pa. Hehehe…
Subaybayan!