Advertisers

Advertisers

Ken wish makapareha si Jennylyn, ‘di na feel si Rita Daniela

0 420

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MUKHANG ang rumored sweet hearts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na lang ang ‘literal’ na hindi nakakaalam na magsyota pala sila.
Sa tuwing matatanong ang dalawa sa tunay nilang relasyon ay palagi nilang sinasabi na masaya sila kung magkasama at panahon na lang ang makapagsasabi kung magiging sila na nga. Pero sa mga tsika kay Julie ay panay naman positibo ang kanyang mga sagot pag may tanong hinggil kay Rayver. Tulad na lang na tanggap umano si Rayver ng kanyang mga magulang.
Nitong birthday celebration ni Julie Anne sa “All Out Sundays” na nagkataon namang hindi present si Rayver dahil sa may lock-in taping, bukod tanging ang aktor lang ang may video message para sa birthday ng rumored sweetheart. At habang nagpi-play ang video ni Rayver ay halatang kilig ang mga co-host at panay tukso kay Julie Anne na blooming daw ngayon at tila inspired.
What you see is what you get ang drama nina Julie Anne at Rayver, pero iba pa rin talaga yung opisyal na pag-amin mula sa kanilang dalawa.
***
HINDI na rin maikakaila na si Ken Chan ay isa sa mga young actor natin sa kasalukuyan na in-demand. One after another ang kanyang mga project sa GMA7 kahit pa sabihin na naglie-low na siya sa tambalan nila ni Rita Daniella na isa sa dahilan kung bakit bumulusok ang karir ni Ken. After Rita ay si Bianca Umali naman ang leading lady ni Ken sa hit series na “Mano Po: Her Big Boss”.
Nang matanong si Ken na sakaling bigyan siya ng choice kung sino ang nais niyang maging leading lady sa susunod niyang proyekto sa GMA7, si Jennylyn Mercado raw ang kanyang feel na makatambal.
“Kapuso actress na gusto kong maging leading lady marami, actually. Kung pagpapalain ako, noon pa man lagi kong sinasagot ang gusto kong makatrabaho ay si Jennylyn Mercado,” ayon kay Ken.
Hindi kinaila na minsan na niyang nakasama sa isang proyekto si Jennylyn pero one of those lang naman ang kanyang papel. Simula noon ay naging wish ni Ken sa kanyang showbiz career na makatambal si Jennylyn.
“Nakatrabaho ko na siya noon pero gusto ko siyang makapareha sa isang teleserye. Isa talaga ‘yon sa dreams ko,” dagdag ni Ken.
Nang matanong naman ang aktor na bukod kay Jennylyn, sino pa ba sa mga Kapuso actress ang nais niyang makapareha?
“Nais ko rin na makatrabaho sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, at Heart Evangelista,” ani Ken.