Advertisers

Advertisers

Sen. Risa diniin, ‘di swak bilang Education Sec. si VP Inday Sarah

0 281

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMING nag-aabang kung ano ang magiging reaksyon ni Senator-elect Risa Hontiveros sa katatapos na halalan.
Nagbigay kasi ito ng pahayag at tila kontra sa pag appoint ni President BBM kay VP Sara Duterte para maging Secretary of Education.
Tila ‘di yata pumabor si Risa na pasok sa magic 12 ng senados sa pagiging Education Secretary ni VP Sara.
Ayon nga kay Risa, ibigay daw ito sa eksperto or may kaalaman sa edukasyon.
Isa lang naman si Risa sa oposisyon na nakapasok sa Magic 12 ng senado.
Pinagdiinan nito na mahalaga ang oposisyon sa senado para maging balanse ang Political System.
Kahit nag-iisa lang ito ay pupuksain at lalabanan daw nito ang korapsyon at fake news.
Samantala, abangers naman ang netizens kung ano nga ba ang reaksyon nito sa pagiging no. 1 ni Robin Padilla sa Senatorial race.
May makomento kaya si Risa sa pangunguna ni Robin sa pagka-Senador?
***
Bea bumili ng apartment sa Spain
SA ika-100 video ni Bea Alonzo sa kanyang You Tube Channel ay ibinahagi nito sa kanyang vlog ang pagbili nito ng investment.
Matatandaan na umalis patungong Madrid, Spain si Bea minus dyowaers na si Dominic Roque.
Nagpunta ito sa Spain para tumingin at bumili ng apartment. Sa anim na apartment na nakita nito ay may napili siyang isa na may elevator para sa kanyang ina at mga bata.
Kahit noon pa man dream na ni Bea na magkaroon ng bahay sa Spain.
Nangako naman si Bea na pagbalik niya sa Spain ay ito-tour daw nito ang kanyang followers.
Busy na si Bea sa dami ng kanyang commitment kaya ‘di siya puwede magtagal sa ibang bansa.
May mga tsika tuloy na paghahanda na ba raw ito sa pag-aasawa ng aktres.
Well, we ll, well…’Yun na!