Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
KASAMA ng co- ”Artists for Sara” ay happy ang Viva Recording Artist/ Actress at owner ng Wild Dream Records na si Marion Aunor sa pagkakapanalo ni Mayor Sara Duterte bilang Bise Presidente.
Yes, bilang youth alam ni Marion na matutulungan ni Presumptive VP Sara ang mga kabataan at iba pa. Action agad at hindi puro salita lang. She’s a tough woman but has a good heart. Kaya nitong manindigan sa kung anong tama. Naniniwala si Marion na ang mga factor na ito ang dahilan kaya’t ibinoto si Sara ng mahigit 31 milyong Pilipino.
Sure rin ang magadang singer-actress na magiging maganda ang pamamalakad nito kapag naupo na bilang Vice President ng bansa at DEPED Secretary dahil naniniwala raw ito na ang edukasyon ang kayamanan ng mga kabataan. Naimbitahan pala si Marion para sa isang get together party sa minamahal nilang si Inday Sara. By the way, magiging busy si Marion sa promotion ng new single na “Safe To Love” under her own label Wild Dream Records. Kaka-guest lang nito sa Good Time ‘To sa MOR. May mga naka-line up ding project si Marion sa Viva.
***
ISA pang nagbubunyi na kababayan natin from Amerika ay ang socialite at fashionista kong friend na si Mama Lino Reyes na 55 yrs nang naninirahan sa bansa ni Uncle Sam.
Yes, wagi kasi si BBM na since maging Congressman at Senador at ngayo’y panalong Presidente ay sinusuportahan na ni Mama Lino. Naniniwala kasi siya sa plataporma ni Bongbong Marcos lalo na sa layunin nito na paunlarin ang bansang Pilipinas.
Gaya raw ng Ama nitong si Late President Ferdinand Marcos na napaganda at napalakas ang ekonomiya noon ay tiyak na kakayanin din ni BBM. Isa pang kinabibiliban ni Mama Lino kay Bongbong ay hindi ito pumatol sa mga paninira sa kanya ng mga Kakampink.
Tahimik lang siya dahil gusto niya ay i-unite ang nation na mangyayari kapag nagkaisa ang lahat. Maswerte rin si Mama Lino at nakadaupang palad na nito ang Ina ni BBM na si Madame Imelda Marcos, at hanga siya sa walang kupas na beauty ni Imelda.
Lahat sila ng rich circle friends niya sa America, pwera sa mahinhing veteran actress, ay supporters ng mga Marcos. Sa kanyang social media account o Facebook ay ina-update ni Mama Lino ang mga FB friends sa activities ni presumptive Pres BBM, lalo na sa kasagsagan ng kampanya ng UniTeam.
Nagpaplano na sila ng mga Amiga niya na magdaos ng dinner na victory party nila sa kanilang ibinotong si BBM at sa tandem nitong si Sara Duterte na wagi ngang Vice President.
***
JC Garcia This September Ang Concert Pero Super Lakas Ang Benta Ng Tickets
This September 24 pa ang schedule ng bagong concert ng International Recording Artist/Dancer/Online TV Host na si JC Garcia titled “JC GARCIA LIVE IN SACRAMENTO: SIMPLY THE BEST PART 3” ay ngayon pa lang ay dinudumog na ang sales ng tickets nito. Kilala kasing mahusay na concert performer si JC sa iba’t ibang bansa partikular sa Amerika at world-class ang talent plus crowd drawer pa. Tapos SRO ang bawat concert na ginawa. Samantala, muling makakasama ni JC sa parating na malaking concert ang Bff at kapwa recording artist na si Yolanda Siracusa at isa pang dekada ng friend singer recording artist noong 80’s na si Gemma Franco-Smith.
Ang mga guest naman sa nasabing concert ay kinabibilangan nina Mitchell Smith, Marlon Costes, Mary Ann, Michael Reyes Lobo, at Dance Instructor Benjie Hisoler. Ang JC Garcia Live In Sacramento ay handog ng MIGHTY “J” PRODUCTIONS. Mapapanood ito ngayong Sept. 24 sa Jade Restaurant (former Holiday Villa Restaurant) na may 1,000 capacity sa 707 South Land Park DR. Sacramento, CA 95831.
Ngayon pa lang ay excited na si JC sa concert niyang ito na magpapamalas siya ng ilang bagong repertoire. Hinahangaan ang ganda at taas ng boses nito na mala-isang foreign artist.