Advertisers

Advertisers

Xian nagreak na sa foto nila ni Barbie; KDLex ayaw muna lagyan ng label ang relasyon

0 870

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

AMINADO sina KD Estrada at Alexa Ilacad, na kilala ang tawag sa loveteam nila bilang KDLex, na ayaw muna nilang lagyan ng label kung anuman relasyon meron sila ngayon.
Sabi ni KD, “We see each other as partner material talaga, for long term. But right now, especially with our busy career, with our busy schedule, we don’t want to put a label. It’s gonna be high maintenance but I don’t mind naman maintaining her,” sabi ni KD sa isang interview.
“I don’t know what’s gonna happen in the future. None of us know. But yes, Alexa is a very, very girlfriend material.
“Gusto ko lang sabihin na alam ko na whatever happens, Alexa, she’s very important in my journey,” aniya pa.
Halos ganito rin ang sabi ni Alexa, aniya, hindi naman sila nagmamadali ni KD at mas gusto nilang mag-focus muna sa kanilang career dahil ayaw nilang sayangin ang mga dumarating na opportunities at blessings.
“Pero boyfriend material si KD. At marami pa akong nadi-discover na magagandang qualities niya,” sabi ni Alexa patungkol kay KD.
Sina Alexa at KD ang pangunahing bida sa digital series na Run To Me, na napanood sa KUMU kahapon at mapapanood naman ngayon, May 21 sa iWantTFC.
Hindi pa rin makapaniwala si KD na may series na sila ni Alexa. Isa itong dream come true para sa kanya.
“Kasi naaalala ko dati, when I was young, parang nakikita ko lang ang kasama ko ngayon sa TV. I never thought na magiging artista ako. Seeing myself on the huge screen with Alexa, grabe, I made it this far,” sabi pa ni KD.
Ang loveteam nina Alexa at KD ay nabuo nang maging celebrity housemates sila sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Ngayon ay isa na ang loveteam nila sa mga tinitilian at kinakikiligan ng mga fan. Sikat na ang loveteam nila, sa totoo.
Marami na silang grupo ng mga tagahanga hindi lang sa ‘Pinas kundi maging sa iba’t ibang bansa gaya ng KDLex United, na ito ang mother group, KDLex Bermuda, KDLex Booster, KDLex Trends, KDLex Merch, KDLes Onair, KDLex Universe,KDLex NuevaEcija, KDLexPlubb, KDLex SGCrew, KDLex Batangas, KDLex Cebu, KDLex Hongkong, KDLex Protector, Titas of KDLex, Friends of KDLex7, at KDLex Patrollers. And still growing ha!
***
SA interview sa kanya sa PEP Live, binigyang linaw ni Xian Lim ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila sa lobby ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental.
Nailathala sa Facebook account ng hotel ang litrato ng dalawa at doon kinuwestiyon ng netizens kung bakit magkasama ang mga ito.
May mga nang-aasar pa sa girlfriend ni Xian na si Kim Chiu mula sa netizens na “shot na,” na animo’y ipinahihiwatig ng mga ito na may dapat ipagselos si Kim.
Sabi ni Xian,”Speaking of Facebook, may nabasa ako, nag-i-scroll ako kagabi. May mga nagta-tag ng kaganapan daw, na diumano natagpuan, na spotted daw ako sa isang lugar.
“Not guilty. Yun na lang.”
Natatawa na lang si Xian na binigyan ng malisya ng ibang tao ang simpleng litrato nila ni Barbie.
“I guess, ang reaksiyon ko lang dun is, totoo ba? Alam mo yun? Wala tayong panahon diyan. Wala na bang mabalita?
“Pero salamat sa lahat ng mga nagtanggol sa akin. I guess, the news is just absurd. Wala akong panahon para diyan.
“Sabi ko nga, boring ako na tao, nasa bahay lang ako, nagsusulat.
“Sa dami ng ginagawa ko, wala akong panahon para diyan.”
Ipinagtanggol kasi si Xian ng ilang netizens na nagpakita ng resibong may dinaluhang miting de avance sina Xian at Barbie sa Davao City, at doon sila nanuluyan sa hotel kunsaan sila nakunan ng litrato.
O ayan, sa mga nang-iintriga kina Xian at Barbie na baka may something na namamagitan sa kanila, nilinaw na ni Xian na wala. At sa totoo lang, hindi naman magagawang lokohin at pagtaksilan ni Xian si Kim. Mahal na mahal niya si Chinita Princess. At hindi siya gaya ng ibang lalaki na manloloko. Matino si Xian!