Advertisers
NAGSANIB puwersa sina Stephen Curry at Andrew Wiggins upang buhatin ang Golden State Warriors sa 109-100 wagi laban sa maangas na Dallas Mavericks Linggo ng gabi Lunes sa Manila time) para sa 3-0 lead sa Western Conference finals sa American Airlines Center sa Dallas.
Kumamada si Stephen Curry ng 31 points,11 assists at five rebounds,habang si Wiggins nagdagdag ng 27 points at 11 rebounds.
Klay Thompson umiskor ng 19 points,Habang si Draymond Green at Jordan Poole nag-ambag ng tig-10 puntos.
Golden State, na winalis ang Portland kamakailan sa West finals noong 2019 bago ang Toronto ay pakay na ma sweep ang Game 4 sa Martes sa Dallas. Walang team na nagrally mula sa 3-0 down para mapanalunan ang NBA playoff series.
Doncic umiskor ng 40 points para sa Mavericks.