Advertisers

Advertisers

Jomari garahe na kay Abby, plano na pakasal

0 381

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA grand launching ng Aspire Magazine Global, present ang showbiz couple na sina Jomari Yllana at Abby Viduya.
Pinarangalan kasi silang dalawa bilang inspiring personalities. After ng awarding ceremony, nakausap namin ang dalawa.
Ikinuwento ni Jom kung paano silang nagkabalikan ni Abby after 30 years.
Nung makita niya ang pangalan ng ex sa Facebook, minessage niya ito para kumustahin at siguraduhin kung si Abby nga ito. Nung sumagot ang aktres na siya nga si Abby, dun na nag-umpisa na nagkaroon na uli sila ng communication at presto, nagkabalikan sila.
Nang kumustahin namin ang takbo ng kanilang relasyon, ang sabi ni Abby, “That’s wonderful.”
“Ive never been happier in my life as I am with him,” aniya pa.
Sabi naman ni Jom,”Ako, okey na ako. Pwede na akong gumarahe. I can say na marami rin akong pinagdanan. Roller-coaster ride ika nga. Siguro alam nyo naman yung istorya namin. First time kaming ganyan, first time kaming ganito. Tapos pinagtagpo kami uli ng tadhana. Ako I can say na kaya kong sabihin na okey na ko. Ito na yung last ko. Final stop ko na ‘to. Pwede ko ring sabihin sa kanya na you were my first and you will be my last.”
At ano ang reaksyon ni Abby sa sinabing ito ni Jom?
“I mean, what can I say? He’s the love of my life. My first and definitely my last.”
Dahil sa tingin nina Jom at Abby na talagang ang isa’t isa na ang gustong makasama habambuhay, nagpaplano na rin silang magpakasal.
“Ako I’m legally single. Siya naman legally single na rin.Wala pa kaming date kung kelan pero ayaw na naming patagalin.
“Kung matutukoy naman yan e kayo rin naman ang unang mag-a-announce.”
***
NAPANOOD namin ang period movie na Ang Bangkay sa Red Carpet Premier Night nito na ginanap kamakailan sa Edsa Shang-rila Plaza sa Mandaluyong.
Si Atty. Vince Tanada ang pangunahing bida sa nasabing pelikula, na siya ring sumulat at nagdirek nito. Gumaganap na asawa niya rito si Sarah Javier, na siya ang bangkay sa Ang Bangkay.
Ang Ang Bangkay ay isang Carlos Palanca Literary Contest Grand Prize Winner na isang play at ngayon ay isinapelikula ni Vince.
Magaling sa movie si Vince bilang si Senior Segusmondo, na isang embalsamador. Lutang ang akting niya sa lahat ng eksena. Hindi naman kataka-taka na mahusay siyang aktor dahil nga sa pagiging stage actor niya.
Alam naman natin na ang lahat ng nagsimula sa stage play, kapag umarte na sa harap ng kamera ay sisiw na lang o mamanein na lang nila ‘yun. Besides, isa siyang award-winning stage actor kaya talagang mabibigyang justice niya ang anumang role na gagawin niya.
May eksena sa pelikula na nagpakita ng ari si Vince. Ginawa man niya ‘yun dahil kailangan sa pelikula. Nabisto kasi siya ng anak niya na, na ginagampanan ni Vean Olmedo, na siya ang katalik nito. Kaya tumakbo siya na hindi na nakapag-suot ng brief. Na naging dahilan para makita nga ang kanyang ari, na sa totoo lang ay daks pala siya. Hahaha!
Bukod kay Vince, may ilan ding characters sa Ang Bangkay na nagpakita rin ng ari. Pero maganda ang pagkakagawa. Kumbaga, it was done artistically.
Hindi kami nagtataka kung mapansin din to sa ibang international film festivals tulad ng prestihiyosong Cannes. Yun naman ang plano ni Vince na maipalabas muna ito sa mga international filmfest bago sa Pinas.
Ang Ang Bangkay ay kinunan sa probinsiya ng Nueva Ecija. Si Bong Ramos ang naging katuwang niya bilang pangalawang direktor.
To Vince, at sa lahat ng bumubuo ng Ang Bangkay, our congratulations