Advertisers

Advertisers

Kylie nainlab agad sa kuwento ng ‘Bolera’

0 417

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

HINDI naitago ni Kylie Padilla ang sobrang saya at excitement sa pagbabalik-serye makalipas ang halos tatlong taon.
Sa idinaos na online media conference ng sports drama na Bolera na pinagbibidahan ni Kylie, sinabi niya na sa lahat ng offers na natanggap niya ay ito ang pinaka-nagustuhan niya.
Ikinuwento ni Kylie na hindi siya nagdalawang isip na tanggapin agad ang role sa Bolera dahil sa ganda umano ng kuwento nito.
Bagama’t aminado si Kylie na wala siyang alam sa larong bilyar, nagpapasalamat anya siya sa GMA7 at binigyan siya ng mga propesyunal na billiard player para paturuan siya. Ngayon nga raw ay hinahanap-hanap na niya ito at sumasama na sa mga kaibigan na nag-aayang mag-bilyar.
“Wala, na-in love na ako agad—sa premise, sa story, sa concept. So, I knew na kaya kong mag-commit. Kasi nga, nanay na ako, namimili talaga ako ng show kasi alam kong mahirap siya. Lalo na ‘yung mga lock-in, nag-a-anxiety ako,” tsika ng aktres.
Anya pa, “Noong in-offer sa akin ‘yung Bolera ang lagi ko nang iniisip nu’n, ‘Yes go, gusto ko na s’ya.’ Napakaganda po talaga ng kuwento. Hindi ako na-disappoint noong ginawa na namin.”
Sa Bolera, gagampanan ni Kylie ang role na Joni, isang street-smart pool-hustling girl na nakipaglaban at nagsikap para maging pool champion sa mundong dinodomina ng kalalakihan, ang billiards.
Makakasama sa Bolera sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Ms. Jaclyn Jose, Gardo Verzosa, Joey Marquez, David Remo, Via Veloso at Al Tantay. Ang Bolero ay mula sa direksyon nina Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy at mapanunuod na simula sa May 30 sa GMA Telebabad.