Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA isang sexy photo na ipinost ni Rhian Ramos ay maraming nagandahan at naseksihan sa aktres.
Pero may isang basher na ‘di nakapagpigil sa panggigigil at umalagwa ang negatibong pag-iisip.
Kaya sa larawan na post ni Rhian sa kanyang socmed account ay sinabi ito ng hater basher.
‘Kalokalike raw ni Petrang Kabayo si Rhian “maghugas ka na lang ng pinggan,” ayon sa basher.
Hindi naman ito pinalampas ni Rhian at nire-post pa niya ang negatibong komento ng hater.
Nag-effort pa si Rhian at imbes sagutin ang basher ay talagang gumawa pa ito ng bidyo.
Sa bidyo ay naka black long gown si Rhian habang naghuhugas ng kawali na ini-slow motion pa.
Pang asar nga raw daw ito sa basher na sosyal, sexy at maganda ang naghuhugas ng kawali na tila nagpro-promote ng dishwashing liquid, sey pa ng netizens.
***
‘BE KIND TO KRIS’—MANAY LOLIT
MISMONG ang talent manager-columnist na si Lolit Solis ay ibinahagi ang liham na kanyang natanggap mula kay Kris Aquino.
Naging emosyonal at maluha-luha ito habang ibinabahagi ang liham ni Kris.
Ayon sa liham, sana nga raw ay humaba pa ang buhay ni Kris at umabot ito sa edad ni Bimby na kaya na niyang alagaan si Josh.
Tanggap na naman daw ni Kris na meron itong malubhang sakit pero ang ‘di katanggap-tanggap ay patuloy pa rin itong di nakakatanggap ng mga negatibong komento.
Sana naman daw ayon kay Lolit sa mga basher na ngayon nga raw na may pinagdadaanan si Kris ay ‘be kind to her.’
Well, well, well…’Yun na!