Advertisers

Advertisers

Sanya pamilya muna bago magka-dyowa

0 349

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

GIRLFRIEND material talaga ang isang Sanya Lopez, maganda, sexy, sikat, mapagmahal na anak at kapatid, pero hanggang sa kasalukuyan, at the age of 24 going 25 this coming August ay NBSB as in No Boypren Since Birth siya.
May ilang aktor din naman ang naugnay kay Sanya pero lahat ay tsika lamang. Marami rin namang suitors ang “First Lady” ni Gabby Concepcion pero wala pa rin nakasungkit ng matamis niyang ‘oo’.
Sadya bang super maselan lang si Sanya kung bakit wala pa siyang nagiging karelasyon?
“Totoo po na wala pa akong nagiging boyfriend. But nandoon po ‘yung mga taong siyempre dumating din naman tayo na may nanliligaw talaga. Kaya lang its my choice kung bakit ayaw ko pang makipagboypren,” say ni Sanya.
Sadyang pinigil na muna ni Sanya ang puso na mainlab dahil mas inuna niya ang kaisipan na ayaw na niyang balikan ang karanasan noon ng kanilang pamilya na dumanas sila ng hirap. Pinursige na muna ang sarili na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.
“Yes. I think by choice talaga kasi nu’ng umpisa. So baka kapag nag-focus ako sa kanya ‘yung career ko mapabayaan ko. Ayokong bumalik sa life namin dati. So ang dami kong iniisip. Sabi nga ng mga nanliligaw sa akin, overthinker daw ako,” dagdag pang say ni Sanya.
***
JACLYN JOSE BOW SA UGALI NI KYLIE PADILLA
SA ilang dekada na rin naman na pamamayagpag ng beteranang aktres sa showbiz industry ni Jaclyn Jose ay halos marami na siyang nakatrabahong beterana at mga baguhang artista.
Iilan din lang ang hiningaan ni Jaclyn sa mga ito pagdating sa kanilang propesyon kabilang na rito ang bidang babae sa latest seryeng ginawa ni Jaclyn, si Kylie Padilla para sa “Bolera”.
Bow talaga ang byuti ni Jaclyn pagdating sa pagmamahal ng young actress sa karir na tinahak.
“Sobrang sipag ni Kylie, kaya bilib ako. Kahit wala siyang taping, sumisipot siya sa set at nag-a-A.D (assistant direktor). Lahat ng kasama sa set, masasabing okey at wala ‘yung pa-importante mood si Kylie, “ say ni Jaclyn.
Ang isa pa ring nagustuhan ni Jaclyn sa mga kasamahan niya sa seryeng ‘Bolera’ ay ang samahan ng buong team Bolera.
“Behaved silang lahat. Nakabibilib. Walang naninigarilyo at umiinom sa set,” dagdag na say ni Jaclyn.
Bukod kina Kylie at Jaclyn kasama rin sa serye sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Ms. Jaclyn Jose, Gardo Verzosa, Joey Marquez, David Remo, Via Veloso at Al Tantay. Ang Bolero ay mula sa direksyon nina Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy at mapanunuod na simula sa May 30 sa GMA Telebabad.