Libo-libong tao, bumibisita sa New Manila Zoo araw-araw!
Advertisers
LIBO-LIBONG tao ang bumibisita sa New Manila Zoo araw-araw.
Ito ang natutuwang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay ng patuloy niyang panawagan sa publiko na bisitahin ang Manila Zoo habang libre pa ang entrance.
Sinabi ni Moreno na sa susunod na buwan ay maaaring magsara ang zoo bilang preparasyon sa formal operations nito.
Base sa ulat mula sa zoo director na si Pio Morabe, sinabi ni Moreno na libo-libo na ang nakapunta sa zoo bagaman at hindi pa kumpleto ang mga hayup dito.
“Parami nang parami ang binubuksang pasilidad sa loob ng zoo. Kapag puno na at fully functional na, may bayad na kaya punta na habang libre pa,” sabi ni Moreno.
Sa isang normal na araw, sinabi ni Morabe na umaabot sa 10,000 ang mga bumibisita dito.
Ang zoo ay may mga first-class glass enclosures na nagbibigay sa mga bisita ng kalayaan na makita ang mga hayup nang malapitan.
Kabilang sa mga kinagigiliwang mga hayup ay sina “Mali” the elephant, mga unggoy, reptiles at ibon. (ANDI GARCIA)