Advertisers

Advertisers

Celtics wagi vs Warriors sa Game 1 ng NBA Finals

0 270

Advertisers

PINAHIYA ng Boston Celtics ang Golden State Warriors sa kanilang balwarte 120-108, sa Game 1 ng NBA Finals kahapon Biyernes sa Chase Center sa San Francisco, California.

Mula kasi sa first half hanggang sa kalagitnaan ng 4th quarter ay hawak ng Warriors ang kalamangan.

Pero pagsapit ng ilang minuto bago magtapos ang game, dito na uminit ng husto sa three point area ang Celtics sa pamamagitan ni Al Horford.



Gumamit ang Celtics ng 17-0 run na siya namang pag-collapse ng Warriors.

Nakuha ng Boston ang 4th quarter sa pamamagitan ng 40-13 upang ipatkim sa Boston ang unang homecourt loss sa post-season.



Pinamunuan ni Al Harford ang opensiba ng Boston na may kabuuang 26 points habang si Jaylen Brown ay nagdagdag ng 24 puntos sa kanilang Finals debut upang walisin ang 15-point deficit.

Ang Boston All-Star na si Jason Tatum ay meron lamang 12 points pero nagpakita naman ito ng 13 assists.



Sa kabilang dako, nasayang naman ang ginawa sa panig ng Warriors ni Stephen Curry na may 34 points.

Kasama na ang anim na 3-point shots sa first quarter para itala ang bagong NBA Finals record sa isang quarter.

Sa Lunes ang Game 2 na doon pa rin gagawin sa teritoryo ng Warriors sa San Francisco, California.

Samantala, gulat din ang mga fans sa bagong arena ng Warriors na umabot sa mahigit 18,000 ang bumuhos na mga fans na pumuno sa arena.