Advertisers
HANGGANG Hunyo 30 pa tatanggap ng suweldo ang mga opisyal na co-termino ni Pangulong Rody Duterte. Pero wala nang ginagawa ang mga ito ngayon kundi ang magpapogi, mag-anunsyo ng kanilang accomplishments kuno.
Hindi na nagtatrabaho ang mga ito sa pagtaasan ng mga bilihin. Ni hindi na nga kumilos para ayudahan ang mga nasalanta ng pag-alburuto ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Mabuti pa si outgoing Vice President Leni Robredo, na natalo sa presidential election nitong nakaraang halalan, ora mismo ay nagsagawa ng relief operations sa Sorsogon.
Pero si outgoing President Duterte hindi manlang nagpahayag ng kanyang concerns sa mga itinaboy ng bulkan. Ang inatupag ni Digong ay ang mag-anunsyo ng kanyang mga nagawa kuno at ang manawagang tulungan ang incoming administration, Marcos Jr.
Maging ang DSWD ay walang aksyon sa mga nasalanta ng bulkan Bulusan. Mabuti nalang at maraming foundations at organizations ang nagpaabot ng mga tulong sa mga residenteng naapektuhan sa pagbuga ng makapal na abo ng bulkan. Abo na tumabon sa mga kabahayan at pananim ng mamamayan sa paligid ng bulkan.
Ang tanging naging pahayag ng Palasyo sa pagtaas ng bilang ng mga naghihirap dahil sa taas ng mga bilihin ay bunga raw ito ng pagtaas ng krudo, dulot ng giyera ng Russia at Ukraine. Ngek! Three months palang naman ang Russia-Ukraine war.
Depensa ng mga DDS-BBM, hindi lang naman dito sa Pilipinas nagtaasan ang mga bilihin kundi maging sa ibang bansa. Buong mundo raw ang problemang ito.
Hmmm… porke ba buong mundo ang problemang ito eh hindi na gagawa ng paraan ang pamahalaan para maibsan ang pandemya ng taghirap ngayon? Ibig sabihin ba eh bahala na si Batman kung ano ang mangyayari sa ating mga kababayan? Matira ang matibay nalang. Ganun?
Again, sa mga opisyal ng Duterte administration, hanggang sa katapusan pa kayo susuweldo. Dapat magtrabaho pa kayo ngayon! Mismo!!!
***
Problema na ng commuters ang public transport. Pila-pila, nag-uunahan makasakay kahit sabit lang. Konti nalang kasi ang bumibiyaheng jeep, taxi at bus.
Sabi ng mga mga driver, wala na silang kinikita dahil sa taas ng gas at boundary. Kaya minabuti nalang nila maghanap ng ibang trabaho, laborer sa constructions.
Sa kasalukuyan ay higit P80 na ang per liter ng gas sa Metro Manila. Samantalang P90 plus na sa mga probinsiyang malalayo, lalo yung tawid dagat.
Kapag patuloy ang pagtaas ng gas, asahang wala nang papasadang driver at tiyak na magtataasan pa ang mga bilihin. Tapos tataas pa ang buwis para may pambayad sa P13 trilyong utang ng bansa. Animal!!!
Ito ang legacy na iiwanan ng Duterte administration.
Dito naman masusukat kung gaano ka-talino itong papasok na bagong administrasyong Marcos. Kung paano nila maayos o magamot ang grabeng sugat na dulot ng outgoing administration na nangutang nang nangutang at nangurap nang nangurap ang marami sa mga opisyal.
Goodluck nalang sa incoming Marcos govt..
***
GREETINGS: Belated happy bday to Junie Fontamillas, Rommel de Juan, Ferlyn Zein Cano, Jayson Fernando, Mary Ann Abet Espenida, Vernie Dos Lopez-Dimalanta.