Advertisers

Advertisers

Hiwalay na naman…Rabiya at Jeric in-unfollow ang isa’t isa sa IG

0 362

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NOON pa iniintrig ang hiwalay na o may pinagdadaanan ang relasyon nina Jeric Gonzales at Ms. Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
May mga alingasngas kasing sobra raw selosa ng beauty queen sa kanyang nobyo kaya ito raw umano ang dahilan ng kanilang pagkakalabuan.
Pero tila nahihilot naman ang kanilang relasyon lalo pa’t not so long ago ay nag-post si Rabiya ng sweet photos nila ni Jeric together.
Lately, muli na namang nawindang ang mga marites dahil this time, nag-unfollow naman sila sa isa’t isa sa kanilang IG accounts.
Binura na rin Rabiya ang mga litrato ni Jeric sa kanyang IG samantalang nananatili pa naman ang pictures nila together sa IG ng Kapuso actor.
Hirit tuloy ng mga katkatera, matindi marahil ang dahilan para i-unfollow nila ang isa’t isa.
Ito rin ang naging basehan ng mga marites sa hiwalayan ng showbiz couples tulad nina LJ Reyes at Paolo Contis, Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, Carla Abellana at Tom Rodriguez at marami pang iba.
Matatandaang noong umugong ang tsikang split na ang dalawa dahil sa hugot post ni Rabiya, nilinaw ng beauty queen last May na walang kinalaman kay Jeric ang kanyang post.
Dito pa niya sinabi na ipinaglalaban nila ng actor ang kanilang pagmamahalan at mahal na mahal nila ang isa’t isa.
“Ang dami kong sinacrifice rin for this man. Ilang beses na rin akong napagalitan ng management ko dahil matigas daw ‘yung ulo ko pero pag nagmahal po talaga ako, totoo. And I can sacrifice few things kung ‘yun ‘yung makakabuti sa akin at kay Jeric. Mahalaga sa akin ang trabaho pero mahalaga rin po sa akin si Jeric,” pahayag niya sa last interview niya.
Sey naman ni Jeric sa panayam: “We’re very much in-love with each other, so right now, talagang masaya kami sa kung ano ang nangyayari sa amin.”
Pero last week ay biglang lumutang sa internet ang photos ni Jeric na may kahalikang kapwa-lalaki at dahil dito, marami ang nag-opinyong baka raw natuluyan na ang paghihiwalay ng dalawa at ito ang isa mga dahilan.