Advertisers
Patay ang tatlong indibidwal habang nasa 98 na ang kaso ng typhoid fever sa Barili, Cebu mula Marso hanggang Hunyo.
Umabot na sa 25 ang naka-admit sa Barili District Hospital.
Halos mga bata ang tinamaan ng sakit at nakaramdam ng pananakit ng tyan, pagtatae, at lagnat.
Ipinahayag ng tagapagsalita ng Barili City na si Mary Jane Pañares, katuwang nila ang lalawigan at Red Cross upang maibigay sa mga pasyente ang mga pangangailangan.
Dagdag pa ni Pañares, ipahihinto na ang operasyon ng 2 water sources na nakontamina ayon sa resulta ng pagsusuri.