Advertisers
PINAGKALOOBAN ng sertipiko ng pagkilala ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si Atty. Alex T. Lopez nitong Martes, Hunyo 28.
Iginawad ito kay Atty. Lopez ng mga opsiyales ng PFP na sina Atty. George S, Briones, General Counsel; PMGe. Tom C. Lation (Ret.), National Sec. Gen.; at Gov. Reynaldo S. Tamayo, Jr., National President.
Ang naturang sertipiko, nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga naitulong ni Lopez sa Partido Federal ng Pilipinas noong nagdaang kampanya para sa National Election ng May 9, 2022.
Ipinahayag din ng PFP ang kanilang taos pusong pasasalamat sa naging kontribusyon ni Atty. Lopez ng kanyang mahahalagang oras, pagsisikap, at pakikilahok sa mga campaign rallies, pagpupulong, caucus, at paglalakbay sa buong kapuluan ng bansa.
Ayon sa PFP, na ang naging partisipasyon ni Atty. Lopez, isa sa naging daan upang maluklok na ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.