Advertisers

Advertisers

3 ASG todas, 3 sundalo sugatan sa bakbakan

0 188

Advertisers

Patay ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at 9 ang sugatan kabilang ang tatlong sundalo nang makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang teroristang grupo nitong Sabado sa Tipo-Tipo, Basilan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Halid Pimping, Amil Palluh at Arman Haddaman; habang sugatan sina Hattab, Rohit, Saddam, Ommok, Abaas at Mar-e Rumong.

Nilapatan naman ng lunas ang mga sundalo na sina Corporal Reymark Remollino, Corporal Salem Jade Campaner at Pfc. Kenneth Balud, nang magtamo ng mga sugat sa katawan.



Ayon kay Brigadier General Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force Basilan, nagsasagawa sila ng operasyon laban kay Abu Sayyaf sub-leader Pasil Basali, isa sa mga natitirang grupo sa Basilan na pinamumunuan ni Abu Sayyaf chief Furuji Indama.

Sa report naganap ang engkwentro nitong Sabado sa Sitio Bato Maputi, Barangay Baguindan ng nasabing bayan.

Sinabi pa ng militar na ang grupo ni Basali ang nasa likod ng twin bombing noong May 30 sa Isabela City at June 20 sa Lamitan City Hall.

Kinumpirma rin ni Gobway na habang nasa gitna ng engkwentro na nagpakawala ng close air support ang tropa ng pamahalaan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">