Advertisers

Advertisers

P62m marijuana winasak sa Kalinga

0 285

Advertisers

Umabot sa P62 milyong halaga ng marijuana ang winasak ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Group (PDEA) sa lalawigan ng Kalinga nitong Linggo.

Sinabi ni PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao, Jr. na isinagawa ang clearing operation mula Hunyo 24 hanggang 26 sa bayan ng Tinglayan.

Humigit-kumulang 310,000 halaman ng marijuana ang nabunot at nawasak sa 26,000 metro kuwadrado ng lupa.



Sinabi ni Danao na walang nahuli sa nasabing operasyon.