Advertisers
Sa naging pagtuturing ni BAYAN MUNA REPRESENTATIVE CARLOS ZARATE ay walang kapatawaran ang kapalpakan ni ENERGY REGULATORY COMMISSION (ERC) CHAIRMAN ATTY. AGNES DEVANADERA dahil sa namimintong mabalot nang kadiliman ang buong OCCIDENTAL MINDORO sa mga susunod na buwan.
Ang siste kasi mga ka-ARYA.., inihinto ng OCCIDENTAL MINDORO CONSOLIDATED POWER CORPORATION (OMCPC) ang pagsu-supply ng kuryente sa OCCIDENTAL MINDORO POWER COOPERATIVE (OMECO) na siyang naghahatid ng liwanag sa mga kabahayan sa nasabing lalawigan.., na ikinakatwiran ng OMCPC ay paso na ang kontratang nagbibigay pahintulot sa kanila para makapagsupply ng 20 megawatts sa OMECO.
Bunsod niyan ay hindi na rin pinagbigyan ni DEVANADERA ang hiling ng OMECO na palawigin pa ang kontrata kasabay ng direktiba sa kooperatiba na kumuha na lang daw muna ng kuryente sa OMCPC.., na agad naman tinanggihan dahil nga “TAPOS NA ANG KONTRATA!”
SOMALOPES… ABOGADA ba talaga si DEVANADERA? Bilang isang abogada dapat alam niya ang mga kalakip na sirkumstansya sa pagtatapos ng isang kontrata.., na bilang tagapamuno ng ERC ay dapat ipinagpapauna ni DEVANADERA ang tiyaking nasa ayos ang mga kontrata sa pagitan ng mga POWER PRODUCERS at mga KOOPERATIBA.
Gaano nga katagal ang kailangan ng ERC para rebisahin ang mga kontrata ng mga maliliit na power cooperatives? Isang buwan.., isang taon.., o baka naman kailangan lang ng pabaon?
Sa isang banda, may mga pagkakataong maagap din naman ang ERC CHAIRMAN, lalo pa’t malalaking kumpanyang tulad ng MERALCO at ABOITIZ POWER ang malalagay sa alanganin.
Ayon sa mga HENYO ay malinaw na sablay daw si DEVANADERA.., yun nga lang tila puntirya niya pang umupo bilang SECRETARY sa DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) na para bang kinakitaan siya ng husay sa panahon ng kanyang panunungkulan sa ERC.
Sa nangyari sa OCCIDENTAL MINDORO.., hindi pwede ang sorry lang ayon kay REP. ZARATE at sa mga HENYO ng nasabing probinsiya; sa halip ay dapat panagutin umano si DEVANADERA na lubhang nagpabaya sa kanyang sinumpaang tungkulin!
***
3-IN-1 PRINTERS SA QC SCHOOLS
Sa nalalapit na pagbubukas ng FACE TO FACE CLASSES sa mga paaralan ay binigyang prayoridad ng QUEZON CITY GOVERNMENT ang pagsuporta sa pangangailangan ng mga paaralan sa pamamagitan ng mga ipinamahaging 3-in-1 printers para sa PUBLIC ELEMENTARY at SECONDARY SCHOOLS.
Sa kabuuan ay mayroong 662 units ng 3-in-1 printers ang naipamahagi para sa 158 public schools sa nasabing lungsod.
Pinangunahan ni MAYOR JOY BELMONTE ang turn-over ng mga printer kasama sina SCHOOL DIVISION OFFICE JAMES LAMBENGCO; EDUCATION AFFAIRS UNIT MARICRIS VELOSO; QCPSTA PRESIDENT KRISTHEAN NAVALES; QC PRINSA PRESIDENT JOSEPH PALISOC; QCFPTA PRESIDENT FERNAN GANA, at iba pang kawani ng lungsod.
Ang mga printer na may kasama na ring printing supplies ay magagamit para sa school-based production ng mga modules, worksheets at iba pang learning materials.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.