Advertisers

Advertisers

Smugglers/protectors list

0 214

Advertisers

MASUSUKAT ngayon ang seriousness ni incoming President Bongbong Marcos Jr. sa pagwalis sa mga tiwaling opisyal sa Bureau of Customs.

Oo! Nasa mga kamay na ngayon ni Pangulong BBM ang bola para wakasan ang pamamayagpag ng mga smuggler at protektor ng mga ito sa Customs.

Ito’y matapos ibigay sa kanya ni outgoing Senate President “Tito” Sotto ang listahan ng mga notoryos na smugglers at protectors ng mga ito sa pagpalusot ng mga produktong dinadaya ang mga dokumento para makalibre o makaiwas sa mataas na buwis.



Ang listahan ay bunga ng imbestigasyon ng Senado sa talamak na smuggling sa Customs.

Kabilang sa listahan ang mga dati nang sikat na smugglers sa pier na sina: Wilson Chua, Tommy Go, Paul Teves, David Bangayan, George Tan, Andy Chua, Leah Cruz alyas Lus Cruz o Lilia Matabang Cruz, Jude Logarta, Manuel Tan, David Tan alyas David Bangyan, Gerry Teves, Mayor Jun Diamante, mga protektor Toby Tiangco (BFAR products), Laarni Roxas (BPI), BFAR Director Eduardo Gongona, BPI Dir. George Culaste, Atty Yasser Abbas ng BoC, BoC Dir. Geoffrey Tacio, BoC Dep. Commissioner Vener Baquiran, BoC Dep. Comm. Raniel Ramiro, Dept. of Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, at BoC Chief Rey “Jagger” Leonardo Guerrero.

Itong mga protektor ay karamihan sa kanila political appointees under Duterte administration, at ang iba naman ay kaalyado sa politika ni Digong.

Ngayong patapos na ang termino ni Pres. Duterte sa Hunyo 30, dapat naring mawala sa poder itong nabanggit na Customs officials na kasabwat ng smugglers. Tama ba ako, repapips?

Sabi ni BBM, bagama’t wala siyang paki sa mga katiwalian ng mga nakaraang administrasyon, ngayong siya na ang may hawak ng command ay walang puwang sa kanyang administrasyon ang mga tiwali. Sana nga!



Pero dapat ay imbestigahan at kasuhan ang nasa ‘smugglers list’ na ito ng Senado na nasa mga kamay na ni BBM. Hindi puwedeng hindi managot ang mga ito. Kung ang nagnakaw nga ng bakal na takip ng imburnal kinulong, ito pang daan daang milyong piso na dapat ay kita ng gobierno ang ibinulsa! Ang suerte naman nila kung basta lang sila makakalibre sa kaso!

Kung walang paki sa kanila si BBM, aba’y nandiyan ang Department of Justice at Ombudsman para maparusahan ang mga nagsamantala sa kapangyarihan at nandaya sa dapat ay kita ng gobierno sa mga pumapasok na imported products sa Pilipinas. Mismo!

Tutukan natin ang isyung ito, bayan!
***

Maganda itong plano ng incoming Marcos administration sa barangay officials.

Say ni incoming Executive Secretary Vic Rodriguez, tuturuan nila ang mga opisyal ng 42,000 barangays sa bansa kung paano ang maayos na paggamit ng kanilang pondo alinsunod sa Mandanas-Garcia ruling.

Malaki na kasi ngayon ang magiging pondo ng barangay dahil nga dito sa nabanggit na ruling.

Kapag maayos ang paggamit ng pondo ng barangay, maraming proyekto ang magagawa at uunlad ang komunidad. Mismo!

Sang-ayon din ako sa 5-year term ng barangay officials para hindi na magkaroon ng mga extension. Pero dapat hanggang dalawang termino lang, hindi tatlo. Yeah!