Advertisers

Advertisers

NAULAT NA GAMBLING LORD, DINEDMA LANG ANG ISYU

0 294

Advertisers

Dedma lang daw ang isang gambling lord na namamayagpag dito sa lungsod ng Maynila hinggil sa mga unang ulat na isyu laban sa kanya sa ilang pahayagan maka-kailan.

Nagkibit-balikat lang umano ang tinutukoy na gambling lord na kinilalang isang ALVIN QUIAPO at ang kasosyo niyang si alyas BADJING kaugnay sa mga binabatong isyu sa kanila.

Si Alvin na tinaguriang EASY TWO JUETENG KING ay patuloy pa rin daw sa kanyang operasyon sa buong Maynila partikular na sa mga lugar sa Sta. Cruz at Quiapo.



Ayon sa ating source, tatawa-tawa lang daw ito na para bang may pinag-mamalaki dahil lumalabas na isa siyang untouchable na bawal hulihin o salingin man lang.

Napag-alaman din natin na totoo ngang malakas ang mga koneksiyon nitong si Alvin sa ilan mga opisyal at malalaking tao sa nasabing lungsod.

May blessing daw at may blanket authority pa kung kaya’t ganito na lamang daw ang lakas ng loob nitong si Alvin at Badjing.

May mga alingasngas din na nakatimbre umano ang illegal na negosyo nito sa mga kapulisan mula sa NCRPO hanggang sa mga presinto, police detachment kasama na rin ang ilan opisyal ng barangay.

Pera pera lang daw ang labanan, pwera damdamin… tama nga ang kasabihan na MONEY IS THE ROOT OF ALL EVIL he… he… he…
Kung sa bagay, malaki rin ang posibilidad na maging totoo ang mga tsismis at alingasngas dahil milyon daw ang kubransa nito araw-araw sa kanyang jueteng at easy two.



Nag-uuntugan daw at halos magkapalit-palit na ng mga mukha ang mga kubrador nito sa dami. Libre at hayagan daw itong nangungubra sa lahat ng mga lugar sa Sta. Cruz at Quiapo.

Maliban sa mga kubrador, marami rin daw itong mga pwestong inuupahan araw-araw. Dito daw nakakataya ang mga puntos, sky is the limit daw, walang koto.

Wala daw masyadong exposure itong si Alvin. Si Badjing lang daw ang nakikipag-usap at humaharap sa anumang problema, DEPU-TWO o ENKARGADO kumbaga.

Paano mga SIR, BOSS, CHIEF, AMO? Higit kanino man, siguradong una niyong mala-laman kung tsismis ito o totoo not unless na magtetengang-kawali at magbulag-bulagan kayo.

MGA PERGALAN SA CALABARZON, TULOY-TULOY PA RIN

Tuloy-tuloy pa rin daw ang operasyon ng mga pergalan na nagsulputan na parang kabute dito sa mga probinsiyang nasasakupan ng CALABARZON.

Walang pangamba, walang takot ang mga kapitalista ng mga pergalang ito na para bang nabili ng lahat ang mga opisyal partikular na ang kapulisan sa buong Region 4-A.

Mahirap talagang pigilan ang mga ito dahil milyon din ang naglalarong pera dito sa sugal na COLOR-GAME mas lalo na sa mga probinsiya ng Cavite, Laguna at Batangas.

Iba nga ba ang tini-tingnan sa tinititigan, mas iba nga ba ang taong maraming pera kung ikukumpara sa dukha tsk… tsk… tsk…

Tuloy ang ligaya, everybody happy, walang balakid. Bawal pakialaman at mas lalong bawal hulihin ang mga ito… TRUTH OR CONSEQUENCE GENERAL… he… he… he…