Advertisers

Advertisers

4-anyos ni-rape kapalit ng kendi

0 218

Advertisers

Arestado ang lalaki nana halayin ang isang neneng pinangakuang bibigyan ng kendi sa Navotas City.

Kinilala ang suspek na si Jhon Cedric Pinggoy, 20, na natiklo ng mga tanod ng Barangay North Bay Boulevard South-Kaunlaran, ng lungsod sa kanyang bahay sa Phase 1A, ng naturang barangay 1:00 ng hapon ng Hunyo 27.

Inaresto si Pinggoy nang magsumbong sa kanyang lola ang apat na taong gulang na biktimang si alyas “Charo” na habang naglalakad siya pauwi at nilapitan ng suspek at pinangakuang bibigyan ng kendi sa kanyang bahay ngunit pagsapit doon hinalay na ang paslit.



Dumulog sa mga tanod ang lola ni Charo na nagbunga sa pagkadakip kay Pingoy na dagling inilipat sa kustodiya ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">