Advertisers
Nagsagawa ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng orientation para sa Tupad ng may 175 beneficiaries sa Sharief Mansion, Gunao. St., Quiapo, Maynila.
Bilang bahagi ang pagkakaloob ng ayuda ng programa ng ahensya sa mahihirap nating kababayan na nawalan ng trabaho dulot ng nagdaang pandemya sa bansa.
Hangad ng DoLE-Tupad na ituloy ang pagtulong dahil hindi pa ganap na naghilom ang epekto ng Covid-19 pandemic.
Isa ang ABS Partylist na lumapit sa tanggapan ng Dole upang maisakatuparan ang pamamahagi ng Tupad sa mga Manilenyong lubhang naapektuhan ng pandemya.
Sa determinasyon ng ilang mga tauhan ng DoLE at barangay officials mula distrito 1 hanggang 6, naisagawa ang orientation para sa mga beneficiaries.
At sa pakikipagtulungan ng ‘Halal Na’ sa pangunguna nina Atty. Khalil Pandapatan, Atty. Nar Hernandez, Baiminang A. Madale at Baisaman A. Madale naging matagumpay ang isinagawang orientation ng Dole-Tupad.