Advertisers
UMALMA ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) at Department of Agriculture (DA) nang mapasama ang kanilang mga pangalan sa ‘smugglers/protectors list’ ng Senado na ibinigay kay incoming President Bongbong Marcos Jr.
Reaksyon ni Atty. Yasser Abbas ng BoC: “I categorically deny that I am one of those officials who aid or abet smugglers of agricultural products in any shape or form. My functions as the Director of the Imports and Assessment Service is not involved in any manner in the processing, clearance or release of agricultural products. The functions of my office does not allow me to influence or facilitate the processing of agricultural products to allow smuggling.
Furthermore, I was not invited in any hearing in the Senate regarding the smuggling of agricultural products nor was I even given a chance to explain any allegations aainst me, if any.”
Depensa naman ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan: “Wala po akong idea kung bakit (nadawit sa listahan ni SP Sotto ng umano’y smugglers/protectors). Tahimik lang po ang pagtatrabaho natin. Ni minsan, walang nag-complain sa akin. Protector tayo ng farmer. Nagugulat ang farmer, nagte-text sa atin.”
Sabi naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Ed Gongona: “Bakit naman ako mai-involve diyan? Ayaw ko nga ng importation.
Nagkaroon ng smuggling, balita sa isda. Bakit naman ako idadawit diyan? Hinuhuli ko nga sila? Grabe naman. Inalagaan ko ‘to nang napakatagal. Takot ko lang kay Presidente.”
Wala pang reaksyon si Customs Chief Rey Leonardo “Jagger” Guerrero sa pagkakasama ng kanyang pangalan sa smugglers/protectors list.
Kabilang sa naturang listahan ng smugglers ang mga dati naring inaakusahang notorious smugglers sa pier na sina: Gerry Teves, Paul Teves, David Tan alyas David Bangyan, Manuel Tan, Jude Logarta, Leah Cruz, Andy Tan, George Tan, David Bangayan, Tommy Go at Wilson Chua.
Ang iba pang nasa listahan ng Senado ay sina: BoC Dep Commissioner Raniel Ramiro, BoC Dep. Comm. Vener Baquiran, BoC Director Geofrey Tacio, Laarni Roxas ng BPI, Navotas Mayor Toby Tiangco, at Mayor Jun Diamante.
Well, kung hindi nga sila sangkot sa smuggling o protector ng smugglers sa piers at airports, aba’y kasuhan nila si Senate President Tito Sotto. Siya ang nagbunyag nito sa publiko at ibinigay pa kay BBM ang listahan.
Pero kung sangkot sila sa smuggling, dapat lang sila kasuhan ng mga kaukulang kaso at tanggalan ng lisensiya ang brokerage ng “smugglers” na ito. Mismo!
Sigurado naman tayo na hindi magkakaroon ng puwang sa incoming Marcos administration ang nasa smugglers/protectors list na ito, tulad ng sinabi ni BBM.
***
Ngayong araw ang inagurasyon ni BBM sa National Museum sa pusod ng Maynila. Walang pasok sa Manila City at San Juan City. Kasi nga grabe ang trapik dahil sa pagsara sa mga kalye na nakakonekta malapit sa museum.
Bukas…tiyak maluwag na ang mga kalye sa Maynila. At simula narin ng 6-year term ni BBM. Mabuhay!