Advertisers
Patay ang 63 anyos na lolo na mayroon diperensiya sa pag-isip nang mabaril ng miyembro ng CAFGU nang mag-amok at tangkain tagain ang mga ito sa Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang nasawi na si Sucgang Tulio, 63, magsasaka, ng Purok 5, Brgy. Boyugan, Siay, Zamboanga Sibugay.
Nakilala naman ang CAFGU na si Almadin F Dela Torre, nakatalaga sa AFP CAA, Boyugan Patrol Base.
Ayon kay Maj Shellamie Chang, spokewomen ng PRO9, 7:45 ng umaga ng maganap ang insidente sa Purok 5, Brgy. Boyugan, Siay, Zamboanga Sibugay.
Nabatid na armado ng itak ang biktima na nagtungo sa bahay ni Brgy. Kagawad Rodney Villanueva at pagbabatuhin ang mga nito.
Humingi ng tulong si Villanueva sa APFP CAA Boyugan Patrol Base na agad naman rumispomde sina CAA Almadin F Dela Torre at CAA Jordan E Reyes.
Nang makita ni Tulio ang dalawang Cafgu, hinabol ito at pinagtataga dahilan upang paputukan ni Dela Torre na tinamaan sa dibdib na ikinasawi noong din.
Sumuko naman sa mga otoridad si Dela Gorres.(Mark Obleada)