KINOKONTAK ng isang entertainment site ang original lead actress na si Anna Marie Gutierrez para makuhanan ng pahayag hinggil sa Scorpio Nights 3, pero nag-beg off ito.
Tama na raw yung nainterbyu siya noong last October 2020 dahil ang nakasalalay doon ay ang kanyang buhay.
May nagsulat kasi na dedo na raw siya pero kanya itong pinabulaanan.
Nabiktima rin kasi siya ng death hoax.
Magalang na tumatanggi si Anna Marie na naging kontrobersyal aktres nang gawin niya àng 1985 erotic-thriller film na dinirek ni Peque Gallaga.
“I’m sorry but I don’t give interviews anymore. I’m already retired from the limelight. I hope you understand. Many thanks for thinking of me though,” sey daw ni Anna Marie.
Tahimik na raw silang namumuhay ng American husband at kanilang anak sa Larchmont, New York.
Gustong kunan ng reaksyon ang aktres dahil hinigitan umano ng bagong sexy star na si Christine Bermas ang daring scenes ni Anna Marie sa orig Scorpio Nights at maging ang SN 2 ni Joyce Jimenez.
Si Lawrence Fajardo ang direktor ng SN 3 na ang leading men ni Christine ay sina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron.
Ang Scorpio Nights 3 ang pinakamapangahas na bersiyon ng classic movie ni Gallaga na nagkaroon din ng South Korean adaptation.
Binigay nang husto ni Christine ang paghuhubad sa mga eksena niya sa Scorpio Nights 3.
Nilampasan niya ang erotic sex scenes na ginawa ng lahat ng kasabayan niyang sexy stars ngayon, tulad nina AJ Raval, Angeli Khang, Janelle Tee, et al. na nagsipagbida na rin sa mga pelikulang napapanood sa Vivamax.
Si Mark ang nagbigay-buhay sa karakter ng yumaong aktor na si Orestes Ojeda at si Gold ay ang role ni Daniel Fernando na gobernador na ngayon ng lalawigan ng Bulacan.
***
IT’S SHOWTIME BACK-TO-BACK NG LUNCH OUT LOUD SA TV5
Mapapanood na rin ang It’s Showtime ng the long-running ABS-CBN noontime program ngayong buwan ng Hulyo sa TV5.
Back-to-back sila ng Lunch Out Loud.
Ibinalita ito kagabi (July 6) ng TV5 newscast Frontline Pilipinas.
Wala pang iniisyung official statement ang ABS-CBN.
Tuluy-tuloy na ang collaboration ng TV5 at Kapamilya channel.
Aba, maging ang mga programa ng Kapatid Network ay napapanood na rin halos lahat sa Iwant TFC.
Ang kanilang bagong station ID kapansin-pansin na mas marami pang mga artistang pinakikita sa TV5 na Kapamilya artists kesa sarili nilang mga artista.
***
SENATOR BATO NAPEKE SA HALAGA NG RELO
May post si Senator Bato dela Rosa hinggil sa kanya umanong mamahaling relos na iniintriga.
Aniya: “sa mga ulol dyan na mga marites, naisahan ko rin kayo! Yung relo ko na seikopatik na 14K php ginawa ninyong patek philippe na 360m php. Hahahaha.”
Isang netizen ang nagkomento sa relo at siya ay si @senyora.
Aniya: “may tsismis ba dito senator?”
Sagot ng senador, “@senyora, yan relo na yan ay kinopya ng seiko sa patek philippe tiffany blue na nagkakahalaga ng 6.5m dlrs at wala ka pang mabili dahil limited edition. May umuwi galing japan na dala dala yan at ibenenta sa akin sa halagang 14k. Heto na ngayon kumagat ang mga intrigero. Swak sila. Hahaha”
Sey ng isang netizen, “Si Gretchen yata pinatamaan nyang Marites lol”
Ilang buwan na rin naman ang lumipas nang punahin ni Gretchen Barretto ang suot na relo ni Senator Bato.
Nagkairingan ang dalawa ng dahil sa e-sabong.
Tanong naman ng isang commenter, “Ang tagal na pinuna yan, ngayon lang ang resbak?”
May sumagot, “Naghanap pa ng kamukhang watch para di halata.”
“dami kasing artistang nagfefeeling historians pero marites den naman. lol at fake news spreader den.”
Pinuna naman ang salita na ginamit ni Bato, “Ulol and marites words from a PH senator! Ang lala!!!”
“walang etiquette talaga etong si Senator Bato. tsk!”
Sa huli ay may nagtanggol kay La Greta, “Fyi, hindi si Greta ang pinaparinggan nya. Yung IG account na watchspotterph nagpost na Philippe Patel Yan worth 300m+ daw eh fake news pala dahil Seiko”.