Advertisers

Advertisers

23 dengue vaccines pinag-aaralan ng DOH

0 273

Advertisers

KASABAY ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa, nasa 23 bakuna ngayon ang pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) para dito.

Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang 23 bakuna ay nasa emergency medicine list ng World Health Organization (WHO).

“What we’re doing here in the department would be gathering evidence, studying it, and once we have completed that we’ll be convening our experts,” paliwanag ni Vergeire.



Dagdag pa ni Vergeire, masusi itong pinag-aaralan para magkaroon ng rekomendasyon para sa Pangulo kung saka-sakali.

Gayunman, hindi tinukoy ni Vergeire kung kasama rito ang Dengvaxia na isinusulong ng ilang health sector.



Kamakailan ay sinabi ni Vergeire na isa sa ikinukunsidera nila ang Dengvaxia ngunit kailangan muling sumailalim ito sa masusing pag-aaral.

Mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, nasa kabuuang 64,797 kaso ng dengue na ang naitala. Mas mataas ito ng 90% kumpara sa naiulat na 34,074 sa kaparehong panahon noong 2021.



Halos lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Ilocos region at Caraga ay nalagpasan na ang “alert/epidemic threshold” sa nakalipas na apat na linggo. (Jocelyn Domenden)