Advertisers
TACLOBAN CITY – Aabot sa 69,038 pamilya ng beneficiaries ng conditional cash transfer sa Eastern Visayas ang natukoy na “non-poor”, ulat ng opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes.
Sinabi ni DSWD 8 (Eastern Visayas) Director, Grace Subong, natuklasan ng kanilang tanggapan ang “economic status” ng mga pamilyang ito sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) na nagsimula noong 2019.
“There is an ongoing retagging and validation to ensure that these number of families are ready for delisting from the list of Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) recipients,” text ni Subong na ipinadala sa Philippine News Agency (PNA).
Tinitingnan din ng ahensiya kung kasama pa sa listahan ang 8,215 4Ps family recipients na nagtapos na mula sa programa at ang 14,516 pamilya “who have transferred residence without permission.”
Posible rin, aniya, na kasama sa listahan ang 51,719 pamilya na tinanggal na sa rekord noong Hunyo 30, 2022 “due to no more eligible children.”
“The task we are doing now is also to ensure that there’s no duplication in the count,” dagdag ng opi-syal.
Target ng DSWD na makumpleto ang validation ng nasa listahan ng mahigit 280,000 conditional cash transfer beneficiaries sa Eastern Visayas bago matapos ang Hulyo, pagtalima sa utos ni Secretary Erwin Tulfo na linisin ang 4Ps list sa mga ‘di na karapat-dapat maging benepisyaryo nito.
Ayon kay Tulfo, aabot sa 2 milyon ang maaalis sa listahan. Ipapalit dito ang mga nasa waiting list na sasalain aniya ng maige, ayon narin sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.