Advertisers

Advertisers

Josef never sumagi sa isip na mag-pari

0 314

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAKAPAGBIDA na sa mga pelikulang Doblado at X-Deal 2, first title roler ni Josef Elizalde ang sexy thriller na “Purificacion” na palabas na sa Vivamax simula sa Agosto 5.
Sa nasabing obra ng multi-award winning director na si GB Sampedro, ginagampanan niya ang papel ni Fr. Ricardo Purificacion, isang tinitingalang pari dahil sa kanyang magandang pag-uugali at dedikasyon at pagmamahal sa lokal na simbahan.
Pero sa likod ng maamo niyang mukha ay nagkukubli ang madilim na sikreto.
Siya rin ang magiging target ng imbestigasyon ni Police Inspector Gabriela Isidro (Carla Gonzales) dahil sa kaso ng mga nawawalang kababaihan sa kanilang bayan.
Ani Josef, malaking challenge sa kanya ang mag-portray ng role ng isang pari sa kauna-unahang pagkakataon.
Kung sa mga nakaraang pelikula niya ay may character ang kanyang long hair, sa pinakabagong Vivamax offering na ito ay nagpagupit siya ng buhok para sa kanyang clean cut image.
Aniya, kailangan daw kasi ito para maipakita ang kanyang pagiging role model sa pelikula na may contrast naman sa kanyang tunay na pagkatao.
Bagama’t graduate sa isang Catholic school, never daw sumagi sa isip niya noon na magpari.
“Growing up, honestly di ko siya naisip because to be honest, I wasn’t devoted to my faith then. Di ko siya naisip noong bata pa ako,” kuwento niya.
Pagbabahagi pa niya, habang suot niya ang abito, na-realize raw niya na hindi ganoon ang papel na ginagampanan ng isang pari o pastor sa isang lipunan.
“Malaking bagay ang priests o pastors in spreading the word of God. Mahirap nga siya dahil lahat ng tao kailangan mong asikasuhin. Walang pinipiling tao ang pagseserbisyo nila. Kaya nga, most of them may vow of poverty,” paliwanag niya.
Hirit pa niya sa pagganap niya bilang pari, wala raw siyang naging peg sa role niya.
“More on nag-watch ako ng movies at ginaya ko ang nuances ng ibang characters sa mga movies na napanood ko. Pero, honestly, wala akong naging peg,” saad niya.
Kahit mga pelikulang may tema ng sex ang mga ginagawa niya, aminado siyang nacha-challenge pa rin siya bilang actor.
“Every new movie naman o role, there’s a challenge especially in building your character. Dito rin, binantayan ni Direk iyong mga nuances ko, para naman magkaiba siya sa mga nagawa ko na just to make sure na different siya from my other projects,” esplika niya.
Sey pa niya, kung ang iba raw ay nalilimitahan sa desisyon nilang magpaseksi dahil sa kanilang relihiyon, ito raw ay hindi niya itinuturing na sagabal para sa kanya.
“For me work is work lang. Kahit ano pang relihiyon ko, I’ll still do sexy films as long na maganda ang materyal,” pagtatapos niya.
Bukod kina Josef at Cara, tampok din sa “Purificacion” ang paboritong Vivamax crushes na sina Ava Mendez, Rob Guinto, Kat Dovey, Stephanie Raz at Quinn Carrillo.
PS: Nakapagbida na siya pero ito iyong first movie na title role siya.