Komedyante na never pinagdudahan ang gender, bading pala!; Kuya Kim unang pinaalam kina Camille at Iya na lilipat sa show na ipinalit sa ‘Mars Pa More’
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NANG sabihin kay Kim Atienza ng program manager ng show nilang Mars Pa More na si Charles Koo, na mawawala na sa ere ang nasabing morning show, pero kasama pa rin siya sa ipapalit dito na game show na TikToClock, agad niya itong sinabi sa co-hosts niyang sina Camille Prats at Iya Villania.
Gusto kasi niyang sa kanya mismo malaman ng dalawa, at hindi sa ibang tao na kasali siya sa ipapalit sa Mars Pa More.
Sabi ni Kuya Kim,”Two months bago natapos ang Mars Pa More, sinabi sa amin ni Charles na, ‘Guys, wala na ang Mars Pa More.
“Ako rin, akala ko, wala na rin ako, wala na ang Mars Pa More. Kasama ako dun.
“On the same day, Charles talked to me, [GMA] management talked to me na dun sa bagong show, kasama ako. Nagulat ako. Kasama pala ako dun.
“Akala ko, wala na ang Mars Pa More, wala na din ako.”
“Ang dilemma ko ngayon is how to tell Cams and Iya. Alam mo sa showbiz minsan, ang daming nangyayari, ikaw ang huling nakakaalam.
“Sabi ko, it’s my duty now, it’s my responsibility to tell Cams and Iya first and foremost, bago makaabot sa kanila galing sa iba na kasama ako sa TikToClock. Kailangan sa akin manggaling.
“So, the minute that Charles told me that I was part of TikToClock, I asked permission to Charles.
“Sabi ko, ‘Can I tell Camille and Iya? Because ayoko sa iba manggaling.’
“Alam mo naman dito sa showbiz, ikaw lang ang hindi nakakaalam, alam na ng buong network, ikaw lang… ganun ba. So, I have to tell them.
“So, I called them right away on that same day. Sabi ko ‘I’m part of the new show. I just found out now, through Charles, that I’m part of the new show.’
“And then, mabait yung dalawa. ‘Kim, we’re so happy for you. We will pray for you. I hope you will succeed,” kwento pa ni Kuya Kim.
Ang TickToClock ay mapapanood tuwing 11:15 a.m. sa GMA 7.
***
TOTOO kaya itong nakarating sa amin na bading umano itong isang komedyante? Never pa kasi siyang natsismis tungkol sa tunay niyang gender. Kaya gulat talaga kami sa nalaman naming ito na member nga umano ng ikatlong lahi si komedyante.
Ayon sa kwento sa amin, sa isang lugar kung saan nakatira itong si komedyante, lagi umano itong nagpapahanap ng lalaki sa mga kaibigan niyang ladlad ang pagkabading para dalhin sa kanyang tinutuluyan. At alam na kung ano ang kasunod na mangyayari. Chorvahan na hahaha.
Hindi talaga kami makapaniwala na bading si komedyante. Kaya sabi namin sa aming source ay baka gawa-gawa niya lang ‘yun. Pero pinaninindigan niya na totoo ang ipinarating niya sa amin. Kaibigan niya raw kasi yung nagkwento sa kanya na kalugar ni komedyante
Well, totoo nga kaya ito?