Advertisers

Advertisers

PALABANG PRIME C FORTE WARRIORS SA PSL 21-UNDER LUZON LEG

0 289

Advertisers

OPTIMISTIKO ang pamunuan ng Prime C Forte Warriors na isang mabungang kampanya ang ikakasa ng koponan sa kanilang pagsabak sa Pilipinas Super League 21-Under Luzon leg na lumarga noong Miyerkules sa San Fernando, Pampanga.

Ayon kay team owner businessman/ sportsman Rommel Tabañag,bagama’t last minute lng ang pagkabuo ng team ay nakita niya ang potensiyal at determinasyong sumabak sa mataas na kalidad ng kumpetisyon ng mga koponang pinagsamang komersyal at local government units

“ Our boys are raring to go, Kahit bago lamang nabuo ang team ay jelled na sila agad sa sistema ng ating multi-titled coach Pablo Lucas..Kumpleto rekado sa lakas, shooting, rebound, at sa ibang department.Mas okey sa mga bata ang malalakas na kalaban dahil lalo silang humuhusay tulad ng ating produktong Prime C Forte with Zinc.,” wika ni Tabañag.



“ Ano mang resulta ng aming mga laban lalo kung nagpapanalo ay isa nang achievement bilang cinderella team sa ligang pinamuminuan nina PSL president Rocky Chan ,VP Ray Alao,official Chieloto Caro,basketball operation head Leo Isaac.

Ngayon ay mapapasabak ang Warriors sa isang local team sa Bren Guiao Sports Complex, San Fernando, Pampanga.



“It’s all systems go,bakbakan na!”, pahayag ni coach Lucas,

“ Just play ball, have fun ,enjoy the game and win!”. ani pa Tabanag. (Danny SImon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">