Advertisers

Advertisers

Viral: P2,500 penalty sa traffic violation umabot ng P258,250 ang babayaran sa MTPB

0 657

Advertisers

Laking gulat ng isang driver nang umabot sa P258,250 ang babayaran sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) mula sa P2,500 lamang na ‘surcharge’.

Ayon sa naturang driver na hindi na pinangalanan, July 8, 2022, nang mag-renew siya ng lisensya at July 11 na-apprehend sa Maynila, na kinumpiska ang kanyang lisensiya.

Aniya, agad naman niyang tinubos ito kinabukasan (July 12) ngunit tumambad ang napakalaking ‘unpaid violation’ mula 2014.



“Hi, Visor. Baka may maka-help sa driver ng friend ko. July 8, 2022, nag-renew siya ng license niya. Then last July 11, na-apprehend siya somewhere in Manila. Yesterday, tutubusin na sana niya ‘yung license pero biglang may nag-appear na unpaid violation from 2014 pa. Ang nakakagulat from P2,500, naging P258,250 due to surcharges. Ask ko lang if may naka-encounter na ba ng ganito sa MTPB in the City of Manila?,” ayon sa nag-viral na post.

Base sa Ordinance Violation Receipt ng City of Manila sa statement of account ng MTPB ang naging violation ng naturang driver ‘Use of Expired Commemorative License Plates, etc.’ na may penalty na P2,500 at ang naging ‘surcharge P255,750 at ang kabuuang babayaran nito P258,250.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">