“Walang koleksyon sa vendors para kay Mayor, walang ganun” – Mayor Lacuna
Advertisers
NAGSAGAWA si Manila Mayor Honey Lacuna ng kanyang kauna-unahang fcommand conference kasama ang mga key officials ng Manila Police District (MPD) nang may panawagan na tulungan ang mamamayan ng lungsod na matulog ng payapa sa gabi.
Seroyoso din ang banta ni Lacuna kontra sa lahat ng uri ng illegal activities, lalo na sa illegal drugs, kung saan sinisira nito hindi lang ang gumagamit kundi ang pamilya nito.
Higit na binigyang diin ng first lady mayor ng Maynila na ayaw niyang makarinig na ginagamit ang kanyang pangalan sa pangongotong.
“Baka lang naman kasi, may mga enterprising individuals na mangungulekta sa mga vendors tapos sasabihin “para kay mayor”. Walang ganun. It is something I will not tolerate,” pahayag ni Lacuna sa kanyang meeting sa mga MPD officers na ginawa sa oval room katapat ng kanyang tanggapan.
Ayon sa alkalde, ang mga namedroppers ng mga iligal na gawain ay may kalalagyan. Wala rin aniyang pakialam si Lacuna kahit na sino pa ang masaktan. Sinabi pa ng alkalde na ang vendors ay dapat lamang magbayad kung ano ang nararapat sa pamahalaang lungsod na siyang legal na kabayaran.
Klinaro din ni Lacuna walang katotohana ang paulit-ulit na fake news na ‘zero vendor’ . Ayon sa alkalde ay tuloy ang pananatili ng mga vendors sa mga lugar o puwesto na itinakda para sa kanila.
Ang hindi lamang aniya pinapayagan ng pamahalaang lungsod ay ang paglagpas ng mga vendors sa itinakdang lugar o sukat para sa kanila. Ito ay para huwag na ring lumikha ng kaguluhan sa kalye… “which primarily belong to pedestrians and motorists.” (ANDI GARCIA)