Advertisers

Advertisers

MGA VENDOR, NAG-IIYAKAN SA BAGONG ENKARGADO NG MPD-PS3

0 2,332

Advertisers

‘Di lang nag-iiyakan kundi humahagulgol na diumano ang mga vendor sa taas daw ng lingguhang tarang hinihingi sa kanila ng bagong enkargado o bagman ng Manila Police District (MPD)-PS3.

Kinilala ng mga vendor ang sinasabing bagman na isang Tata Jaycee na walang awa daw silang inoobligang magbigay ng lingguhang tara na doble at halos triple daw ang taas kaysa sa dating administrasyon na kanilang pinalitan.

Noon daw panahon ni dating Station 3 Commander Lt. Col. John Guiagui, hindi daw nila masyadong iniinda ang kanilang binibigay na bagama’t may kahirapan ay may nauuwi pa rin sila sa kanilang pamilya kahit konti.



Pero ngayon daw bago ang administrasyon sa ilalim ni Lt. Col. Jonathan Villamor, swerte na daw na makapag-uwi sila dahil luma-labas na ang kanilang pinaghahahanap-buhay ay si Tata Jaycee na lang at ang kanyang mga kolektor.

Konting awa lang daw ang kanilang hini-hingi dahil mahigit 2 taon din silang pina-hirapan ng pandemya at ngayon lang muling nakaka-bangon… HAVE MERCY ON US!!!!



KUNG NAG-IIYAKAN ANG MGA VENDOR, SOBRANG SPOILED NAMAN ANG ISANG GAMBLING-LORD NA NASA LIKOD NA RIN NG GAWAAN NG MGA PEKENG DOKUMENTO…
Kung humahagulgol na ang mga vendor, patawa-tawa lang at relax na relax naman ang isang gambling lord at ang kasosyo nitong nasa likod na rin ng gawaan ng mga pekeng diploma at dokumento.

Super tibay at lakas daw sa kapulisan ang gambling-lord na si Alvin Quiapo at ang kasosyo nitong si Badjing na pinasok na rin ang modus ng gawaan ng pekeng diploma at pekeng mga dokumento.



Maging ang bagong bagman ng MPD-PS3 na si Tata Jaycee at kanyang mga tauhan ay tila saludo at wasay sa illegal na aktibidad ng mag-pakner.

Libre at malayang nag-ooperate ang sugalan ng duo na Easy Two at Jueteng sa lugar ng Quiapo, kahabaan ng Quezon Boulevard, C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz at halos lahat ng kalyeng nasa hurisdiksiyon ng PS-3.

Hindi pa nakuntento sa kanilang mga illegal na sugalan, pinasokna rin nitong si Alvin at Badjing ang gawaan ng mga pekeng dokemento na pinahawakan naman nila sa asawa ni Badjing na si Henry alias Hepe na sinasabing isang dating pulis.

Sa kabila ng mga illegal na aktibidad ng mag-tandem, tila nananatiling mga bulag at bingi ang kapulisan na nakadetine sa mga nasabing lugar na para bang mga symbolic figure lang. Isa lang daw ang tanong diyan MAGKANO? he… he… he…