Advertisers

Advertisers

Sari-saring problema sari-saring solusyon

0 236

Advertisers

DIGMAAN sa Ukraine, dahil nais sakupin ng Russia ang bansang ito, ang itinuturing na dahilan ng maraming ekonomista, kaya tumataas ang lahat ng bilihin, simula sa mga produktong petrolyo.

Alam at nararanasan naman natin ito palagian, ngunit tayo’y nakakapagpatuloy dahil sa salawikaing “magtiis na mamaluktot sapagkat maikli ang kumot.”

Nakakagawa tayo ng paraan sa sari-saring suliraning bumubungad sa ating harapan. Sari-saring solusyon din ang ating naiisipan para lamang maipagpatuloy ang kabuhayan.



Ang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at paghina ng halaga ng ating piso ang nagtutulak sa atin na umisip ng paraan.

Halimbawa na lamang, ang sumisirit na presyo ng wheat na gamit sa paggawa ng pandesal at iba pang uri ng tinapay, isama na rin natin ang mga imported edible oil na sangkap nito.



Nagawa ng iba nating kababayang nagmamay-ari ng mga bakery na imbes taasan ang presyo ng pandesal ay pinaliit na lamang ito, upang makayanan pa rin nating bilhin tuwing mag-aalmusal o kaya’y mag-mimilindal.

Kahanga-hanga pa rin ang solusyong ito, dahil ang iniisip ng mga may bakery ay hindi kanilang mga sarili at ang pagkita. Nakasalalay pa rin s kanila ang mga naghihirap nilang mga kababayan.



Kababayan na isinasawsaw lamang ang pandesal sa mainit na kape upang magkaroon lamang ng panimulang lakas para harapin ang hamon ng panibagong araw.

Sari-saring paraan na maging ang bagong administrasyon ni Pangulong Bong Bong Marcos ay nagiisip at gumagawa ng mga solusyon para maibsan ang paghihirap ng karamihan.

Maki-isa at makipag-tulungan lamang tayong lahat sa mga plano at nais gawin ng Administrasyon ni PBBM, pihadong malalampasan natin ang sari-saring mga problemang ating nararanasan. Tigilan na nating ang pagiingay bitter.