Advertisers

Advertisers

Kung kelan tumanda… Mark Anthony nag-frontal nudity sa pelikula

0 737

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

TINARAYAN ng isang netizen ang producer/director ng isang pelikula na sumasawsaw sa pinag-uusapang pellkula na Maid in Malacanang para lang mapansin kahit paano ang kanyang movie na isinabay pa ang showing nito sa pagpapalabas sa mga sinehan ng MIM.
Kung anu-anong gimik ang ginagawa ng naturang producer na mapag-usapan at panoorin rin ang kanyang movie na inilabas na pala sa mga sinehan noon pero walang nangyarii dahil flapsina raw.
Ngayon ay humirit muli ang producer/director na baka this time nga naman ay mapansin at makabawi na sila kapag sumasawsaw sila sa pagpapalabas sa mga sinehan ng Maid in Malacanang.
Nagkasagutian indirectly ang director ng Maid in Malacanang na si direk Darryl Yap at ang naturang director.
Pati nga mga netizen na pro-Marcos at anti-Marcos ay nagkasagutan din at kani-kanilang promote ng gusto nilang pelikula.
May pahayag sa isang interview ang naturang director na, “We are being challenged by Maid in Malacanang that`s why Direk Joel Lamangan reacted and said he will also do a movie to show what happened during Martial Law. Pero siya, gagawa pa lang but I already have a finished film and i am going to show it, so that the people will see a different side of the story. If the Marcos family is saying that the movie is how they felt before being exiled to Hawaii, this is the story of how we felt when they were still in power.”
Sabi naman ni Direk Darryl Yap, “Yung sasakay. Makikisawsaw para mapag-usapan sila, para silang mga putakti na nakakita ng mapapakinabangan. Kung talagang they are presenting the truth…, they don`t need my film in order for them to be noticed. So kung katotohanan ang kanilang ipinaglalaban, sana makita rin nila ang katotohanan na nagmumukha silang tanga, nagmumukha silang kawawa.”
Nilinaw din ng kampo ni Direk Darryl na fake news ang kumalat na namimigay ng free tickets si Senator Imee Marcos at Viva Films noong July 29 at may mga larawan pa nga na kumakalat sa social media.
Ang totoo ay last July 30 pa lang daw available ang cinema tickets. May nag-post kasi ni-reject ng isang Catholic Chinese School ang ipinadalang 300 free tickets ni Sen. Imee.
Anyway, palabas na ngayon sa mga sinehan ang Maid in Malacanang at ang kalabang movie na Katips.
Magkakaalaman na kung ano pa talaga ang gustong panoorin ng mga tao. May patakaran pa naman ang mga sinehan na kapag iilan lang tao ang nanonood sa mga sinehan ng isang pelikula ay pinu-pull-out na ito sa sinehan dahil sayang ang kuryente.
***
Kim Atienza nag-apologize sa LGBTQ na pumalag
Nag-apologize si Kim Atienza sa M to M (man o man) statement sa pagkalat ng Monkeypox na ngayon ay mayroon nang nakapasok sa Pinas.
Marami tuloy LGBTQ member ang natatakot sa kasalukuyan dahill sa paglaganap nito sa mga nasa third sex na nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa kanila.
Mabilis namang humingi ng sorry si Kuya Kim: “Again my deepest apologies to the people I hurt by my tweet. I am deeply sorry.
“I am also wrong in saying it`s usually spread M to M. Monkeypox can be spread by any person regardless of gender. M to F, F to F.”
Nauna na kasi niyang sinagot ang tanong ng isang netizen ng, “@kuyakim atienza, ano po ang pinagkaiba ng chicken pox sa monkeypox #KuyaKimAnoNa.”
“Chicken pox is less severe and the virus is airborne. Monkey pox is sexually transmitted, usually M to M,” say ni Kuya Kim.
Lumalabas daw kasi na ang Monkey pox ay sakit na nakukuha sa pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki.
Muling nag-tweet si Kuya KIm para sabihin.
“From WHO: Monkey pox virus is transmitted from one person to another person by close contact with lesions, body fluids, respiratory droplets and contaminated materials such as bedding.
Ang mga sintomas naman nito ay: “Rash with blisters on face. Hands, feet, eyes, mouth and genitals. “Fever, Swollen lymp nodes, Headache, Muscle aches, Low energy,” ayon sa website ng WHO.
***
PINAG-uusapan ng entertainment press ang frontal nudity ni Mark Anthony Fernandez sa pelikulang Scorpio Night 3.
Sa simula pa lang ng movie ay nagpakita ng kanyang private part si Mark na tila first time niyang ginawa mula nang siya ay mag-artista.
Bukod sa frontal nudity ay marami rin siyang butt exposure at nag-aapoy na love scene sa female lead star ng movie na si Christine Bermas.
Pero pinagtatalunan ng press kung prosthetics ba ang ipinakita ni Mark or kanya talaga dahil nakakagulat na gagawin ng isang Mark Anthony ang ganoong eksena.
Anyway, more than the frontal nudity ay pinahanga ni Mark ang manonood sa ipinamalas niyang galing lalo na ang breakdown scene niya na nahuli niya ang asawa (Christine) at kalaguyo (Gold Aceron).
Pinalakpakan ng lahat ang ipinamalas na acting ni Mark at opinion ng press na malaki ang posibilidad na manalo ng award ang actor.
Pinuri ng mga nanood ang director at maging ng baguhang sexy star na si Christine Bermas na bukod sa mga daring scene na ginawa kina Mark at Gold ay nagpamalas din ng galing sa acting.
Grabe ang mga eksena ni Christine with Mark at Gold na tinalo pa yata ang mga daring scene sa 1 and 2 ng Scorpio Night.
After ng movie ay posibleng maging Pantasya ng Bayan na si Christine.