Advertisers

Advertisers

TOPS Usapang Sports sa Behrouz… PH OLYMPIANS AT PAMBANSANG ATLETA NATIN PRAYORIDAD NI CONG. BUHAIN

0 234

Advertisers

BATID halos Eric Buhain kung ano ang problema ng Philippine Sports.

Bilang dating Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusements Board (GAB) napagdaanan ng dating Olympian, SEA Games record holder at Philippine Sports Hall-of- Famer ang pagharap sa hinaing ng mga atleta mula sa allowances at pangigipit ng mga opisyal.

Ngayon bilang mambabatas matapos maihalala na Kongrerista ng 1st District ng Batangas, tangan ang buong kaalaman at karanasan, ipinahayag ni Buhain ang pagsusulong ng tatlong panukalang batas na magpapalakas sa kapangyarihan ng PSC at GAB sa aspeto ng pangangasiwa at pananagutan sa mga nasasakupang asosasyon, habang tinitiyak ang seguridad at karagdagang mga insentibo sa mga atleta at coach.



“Ang isports ay karapatan ng bawat Pilipino at hindi isang pribilehiyo para sa ilang indibidwal o grupo. Hindi para sa mga miyembro lamang o club affiliation lamang. Kailangan nating mabigyan ng tunay na pagkalinga ang ating mga atleta at pananagutin ang mga sports association na talagang nagpapabaya sa kanilang mga responsibilidad,” pahayag ni Buhain sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.

“Nagpapasalamat ako sa aking mga kasamahan sa Kongreso at nabigyan ako ng pagkakataon na maging co-chairman ng Youth and Sports as well as the Games and Amusements Committee. Right now, with the help of my former colleage, sportsmen and friends, nabuo namin itong three priority bills na ipo-propsosed ko sa Kongreso,” sambit ni Buhain sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng PSC, GAB, Pagcor and Behrouz, ang opisyal venue ng TOPS.

Sinabi ni Buhain na isussulong niyasng muli ang House Bill 8910 (An Act to Strengthening the Games and Amusements Board) na may pangunahing layunin na magtatag ng ‘Athelete’s Welfare Fund’ para sa mga retiradong propesyonal na atleta. Ang nasabing panukala ay lubos na naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng 17th Congress noong 2019.

“Napakaimportante ng bill na ito dahil nakapaloob din dito yung power to prescribe rules sa regulation and supervision ng sabong, e-sabong, esports and other pro sports. Mas mabibigyan natin ng ngipin ang GAB para masawat yung mga illegal bookies and other activities within pro sports,” pahayag ni Buhain.

Ang karagdagang kapangyarihan sa National Sports Associations (NSA) sa pamamagitan ng pag-amyenda ay ang pangalawang priority bill ni Buhain, at ang pangatlo ay ang Philippine Olympian Bill na nabuo sa pakikipagtalastasan ng dating kampeon sa swimming sa tulong ng kapwa Olympian na sina Akiko Thompson at Ral Rosario at mentor at isa pang Olympian na si coach Carlos ‘Pinky’ Brosas.  (Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">